MGA TSISMIS: Mga may-ari lamang ng bahay na may insurans ang tinutulungan ng FEMA.
KATOTOHANAN: Ang tulong ng FEMA ay hindi lamang para sa mga may-ari ng bahay. Maaari din tulungan ng FEMA ang mga umuupa na nawalan ng personal na pag-aari o nawalan ng tirahan. Ang kawalan ng insurans ay walang epekto sa tulong na maaaring matanggap ng mga nakaligtas na mamamayan.
Tsismis: Binabayaran ng FEMA ang mga dedaktibol ng mga insurans.
KATOTOHANAN: Ayon sa batas, hindi maaaring bayaran ng FEMA ang dedaktibol ng mga insurans.
TSISMIS: Naniningil ng bayad ang FEMA para sa pagtanggal ng mga kalat.
KATOTOHANAN: Hindi naniningil ng bayad ang FEMA para sa pagtanggal ng mga kalat. Sa katunayan, babayaran ng FEMA ang mga risonableng nagastos ng mga ahensya ng siyudad, bayan, at estado kagaya ng trabaho, bayad para sa pagtapon, halaga ng mga kagamitan, nagastos para sa materyales at mga kontrata.
TSISMIS: Kasali sa sakop ng FEMA ang kawalan ng pagkain.
KATOTOHANAN: Hindi kasali ang kawalan ng pagkain sa programang tumutulong para sa sakuna ng FEMA. Ang Departamento para sa mga Kabataan at Pamilya, kaakibat ng Departamento ng Agrikultura ng Estados Unidos, ang nagpasimuno ng Programa ng Tulong para sa Karagdagang Nutrisyon para sa Sakuna (D-SNAP) para sa mga elijibol ng pamilya sa 12 na counties ng Florida. Bumisita sa websayt ng D-SNAP para sa impormasyon para magparehistro, mga lokasyon ng mga sityo, at mga oras ng operasyon.
Tsismis: Namimigay ng $500 sa lahat ng nagparehistro.
Katotohanan: Walang ibinibigay na bayad ang FEMA para sa pagpaparehistro. Ang mga grant para sa mga nakaligtas na mamamayan na nakakaranas ng rekaberi sa sakuna ay napagpapasyahan ng maraming rason kagaya ng sakop ng insurans at halaga na pinsala na natanggap dahil sa sakuna.
TSISMIS: Ang pera galing sa grant ng FEMA ay kailangan bayaran.
KATOTOHANAN: Ang pera galing sa grant ng FEMA ay hindi kailangan bayaran.
TSISMIS: Binabayaran ng FEMA ang mga nagboluntaryo at hinihingian sila ng tala ng kanilang oras.
KATOTOHANAN: Hindi nagtratrabaho ang mga boluntaryo para sa FEMA. Lahat ng nagnanais na magtrabaho para sa FEMA ay maaaring bumisita sa USAJOBS.gov.
TSISMIS: Hindi makontak ng mga nakaligtas na mamamayan ang mga inspektor.
KATOTOHANAN: Kinokontak lamang ng mga inspektor ang mga nakaligtas na mamamayan pagkatapos nilang magparehistro sa FEMA upang makapili ng araw at oras ng inspeksyon ng napinsalang tahanan ng aplikante. Hindi kinakailangan kontakin ang inspektor bago ang inspeksyon.
TSISMIS: Namimigay ang Comcast ng tatlong buwan na serbisyo ng kaybol para sa mga nakaligtas na mamamayan na nakarehistro sa FEMA.
KATOTOHANAN: Hindi ito totoo. Ang FEMA ay hindi nakikipagugnayan o nang-eendorso ng mga pribadong kumpanya.
TANDAAN: Pinapanatili ng FEMA ang pahina tungkol sa mga tsismis para sa Bagyong Michael sahttps://www.fema.gov/hurricane-michael-rumor-control
###