TRENTON, N.J. – Hinihikayat ng FEMA ang mga aplikante na makipag-ugnayan para subaybayan ang kanilang kaso. Ang mga residenteng naniniwalang hindi sapat ang tulong na kanilang natanggap para sa pagkukumpuni ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa FEMA upang magsumite ng apela. Maaaring hilingin sa mga nakaligtas na magsumite ng mga pagtatantya sa pagkumpuni, mga resibo o iba pang dokumentasyon na nagpapaliwanag sa kanilang kaso. Dapat ding ipaalam ng mga nakaligtas sa ahensya ang karagdagang pinsalang natuklasan sa kanilang tirahan mula nang sila ay ininspeksyon Dapat din nilang i-update ang mga mailing o email address o numero ng telepono at ang estado ng kanilang mga insurance settlement.
Ang mga aplikante sa Bergen, Essex, Gloucester, Hudson, Hunterdon, Mercer, Middlesex, Morris, Passaic, Somerset, Union o Warren county ay maaaring makipag-ugnayan sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362 o (TTY) 800-462-7585 o mag-online sa DisasterAssistance.gov upang panatilihing updated ang FEMA o para sa mga follow-up na tanong.
Ang mga toll-free na linya ng telepono ay kasalukuyang tumatakbo 7 n.u. hanggang 1 n.u. araw-araw. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, gaya ng serbisyo ng video relay (VRS), serbisyo ng teleponong na may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. May magagamit na mga multilingual na operator.
Nangunguna sa $711.7 Milyon ang Pondong Pederal
Apat na buwan mula nang ideklara ni Pangulong Joe Biden ang isang malaking sakuna sa New Jersey, mahigit $711.7 milyon sa mga ponding pederal ang naibigay sa mga residente ng New Jersey upang tumulong sa kanilang pagbangon. Ang pagkakahati ng mga pondo ay ang mga sumusunod:
- Mahigit sa $215.6 milyon sa gawad na pabahay ng FEMA ay para tumulong sa pagbabayad para sa pagkumpuni ng bahay, pagpapalit ng bahay at tulong sa pag-upa para sa pansamantalang pabahay.
- Mahigit $230.1 milyon sa U.S. Small Business Administration na may mababang interes na mga pautang sa kalamidad na inaprubahan para sa may-ari ng bahay, umuupa at may-ari ng negosyo.
- Halos $266 milyon ang binayaran sa mga may hawak ng seguro ng National Flood Insurance Program sa buong estado.
Ang mga may-ari ng bahay, nangungupahan, at mga negosyo na nag-apply para sa mababang interes na mga utang sa kalamidad mula sa US Small Business Administration ay maaaring mag-follow-up ng mga tanong sa Disaster Assistance Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955 (800-877-8339 para sa mga bingi at mahina-ang-pandinig), o i-email ang disastercustomerservice@SBA.gov.
Para sa pinakabagong impormasyon bisitahin ang fema.gov/disaster/4614. I-follow ang FEMA Region 2 Twitter account sa twitter.com/FEMAregion2.