Tulong para sa Pantawid na Pamamahay

Release Date Release Number
Release Date:
Agosto 29, 2017

Maaaring magbigay ang FEMA ng Tulong para sa Pantawid na Pamamahay o Transitional Shelter Assistance (TSA) sa mga aplikanteng hindi makabalik sa kanilang pangunahing tirahan bago nangyari ang sakuna dahil hindi matirhan o hindi magamit ang kanilang bahay gawa ng isang idineklarang sakuna ng pangulo. Layunin ng TSA ang bawasan ang bilang ng mga nakaligtas na nasa mga pinagsama-samang shelter sa pamamagitan ng paglilipat ng mga nakaligtas sa mga panandalian o short-term na pamamahay gamit ang direktang pagbabayad sa mga nagbibigay ng lodging. Hindi nabibilang ang TSA sa pinakamalaki o maximum na halaga ng tulong na makukuha sa ilalim ng Programa para sa mga Indibiduwal o Sambahayan o Individuals and Households Program (IHP).

 

Pinopondohan ang TSA sa ilalim ng Section 403 ng Aktong Stafford at ito ay pumapasailalim sa pakikibahagi ng gastusin sa estado. Maaaring hilingin ng Estado na bigyang-awtorisasyon ng FEMA ang paggamit ng TSA para sa idineklarang sakuna sa mga partikular na heyograpikong lugar.

 

Maaaring humiling ng TSA ang apektadong pamahalaan na pang-estado, pangteritoryo, o pangtribo. Maaaring isaalang-alang ang ganitong anyo ng tulong kung ang lawak at inaasahang haba ng idineklarang insidente ay magreresulta sa isang mahabang pagkawalang-pamamahay ng mga nakaligtas sa sakuna. Itatalaga ng pamahalaang pang-estado, pangteritoryo, o pangtribo, sa koordinasyon ng FEMA, ang mga lugar na hindi ma-access o nagkaroon ng pagkasira na nakakapigil sa mahabang panahon sa pagbabalik ng mga nakaligtas sa sakuna sa kanilang mga pangunahing tirahan bago nangyari ang sakuna

 

Sa ilalim ng TSA, maaaring kwalipikadong manirahan sa mga kasaling hotel o motel sa loob ng limitadong panahon ang mga nakaligtas sa sakuna, at sasagutin ng FEMA ang halaga ng silid at mga buwis. Para sa mga kwalipikdo, bibigyan ng awtorisasyon at popondohan ng FEMA, sa pamamagitan ng direktang pagbabayad sa mga kasaling mga hotel/motel, ang paggamit ng mga hotel/motel bilang pantawid na pamamahay. Sagutin pa rin ng aplikante ang lahat ng ibang mga gastusin na nauugnay sa lodging at mga paggamit sa pasilidad, gaya ng, ngunit hindi limitado sa, mga insidental na mga singil o paggamit, gaya ng paggamit ng telepono, room service, pagkain, atbp.

 

Kailangang isangguni sa mga hotel ng mga aplikanteng kwalipikado sa TSA na nangangailangan ng akomodasyon para sa disabilidad at para sa mga alagang hayop bago sila magparehistro o mag-check in .

 

Ang unang haba ng tulong (interval) ay 5-14 na araw (maaaring paabutin nang hanggang 30 araw, kung kinakailangan) mula sa petsa ng pagpapasagawa ng TSA. Maaaring pahabain ng FEMA, kaugnay ng pamahalaang pang-estado, pangteritoryo, o pangtribo, ang panahon ng pagtulong, kung kinakailangan, sa habang tig-14 na araw hanggang sa anim na buwan mula sa petsa ng pagdeklara ng sakuna.

 

Ire-refer sa mga lokal na ahensiya o boluntaryong organisasyon para sa posibleng pagtulong ang mga indibiduwal at sambahayang hindi kwalipikado sa TSA.

 

Maaaring kwalipikado ang mga indibuwal at sambahayan sa TSA kung:

 

  • Nagparehistro sila sa FEMA para sa tulong
  • Pumasa sila sa beripikasyon ng pagkakakilanlan (identity) at paninirahan sa Estados Unidos
  • Ang kanilang pangunahing tirahan bago nangyari ang sakuna ay nasa heyograpikong lugar na itinalaga para sa TSA at ang kanilang paninirahan ay naberipika
  • Bilang resulta ng sakuna, sila ay napaalis sa kanilang pangunahing tirahan na siya nilang tirahan bago nangyari ang sakuna
  • Hindi sila makakakuha ng lodging sa ibang paraan

 

Nagbibigay ang FEMA sa mga kwalipikadong aplikante ng access sa isang listahan ng mga kasaling hotel sa kanilang lugar, at makakapili sila sa mga aprubadong hotel o pasilidad na kinikilala ng FEMA. Makukuha ang listahan ng mga aprubadong hotel sa www.disasterassistance.gov o sa FEMA Helpline (800-321-FEMA). Binibigyan ng karagdagang tulong ng FEMA ang mga aplikanteng may pangangailangan sa access o sa pagkilos sa kanilang paghahanap ng mga aprubadong hotel upang mapunuan ang kanilang pangangailangan.

 

Binabatay ng FEMA ang halaga ng TSA sa pinakamalaking lodging rate at buwis sa lokalidad, ayon sa pagkilala ng General Services Administration (GSA).

 

Pagpapahaba ng TSA

Kapag pinahaba ng FEMA ang TSA, pinapahintulutan ang mga kwalipikadong aplikante na manatili sa pantawid na pabahay hanggang sa katapusan ng pinahabang panahon ng serbisyo kung sila man ay kwalipikado para sa Tulong na IHP, o kung parehong umiiral ang mga sumusond:

  • Kasalukuyang isinasaalang-alang ng FEMA ang kwalipikasyon ng aplikante para sa Panandaliang Tulong para sa Pabahay o kung naghihintay ng dokumentasyon mula sa aplikante na kailangan para sa kwalipikasyon
  • Tumutugma sa kanila ang mga kondisyong establisado ng FEMA at mga nakikipag-ugnayang pamahalaan ng estado, teritoryo at tribo

 

Pagtatapos ng TSA

  • Kung naaprubahan para sa Tulong sa Pag-upa o Rental Assistance ang aplikanteng tumatanggap ng TSA, mahihinto ang kwalipikasyon niya sa TSA sa katapusang ng 14 na araw na interval.
  • Makakapanatili lamang sa pantawid na pamamahay ang mga aplikanteng hindi kwalipikado sa Tulong na IHP hanggang matapos ang kanilang TSA interval.

 

###

 

Adhikain ng FEMA ang sumuporta sa mga mamamayan at unang tumutugon upang masigurado na sama-sama tayong kumikilos bilang isang bansa sa pagbubuo, pagtataguyod at pagpapabuti ng ating kakayahan sa paghahanda para sa, pagpoprotekta laban sa, pagtugon sa, pag-ahon mula sa, at pagbabawas ng, lahat ng panganib.”

Agosto, 2017

Tags:
Huling na-update