Pagkumpuni o Pagpalit ng Sasakyan

Release Date:
Oktubre 29, 2024

Ang mga Floridian na naapektuhan ng mga bagyo na Milton, Helene o Debby ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA upang ayusin o palitan ang isang sasakyan. 

Nagbibigay ang FEMA ng tulong sa pananalapi pagkatapos ng sakuna para sa mga karapat-dapat na gastos na hindi binabayaran ng seguro o iba pang mga makukunan. Maaaring kabilang dito ang pag-aayos o pagpapalit ng isang sasakyan. Ang pinsala sa sasakyan ay dapat na sanhi ng sakuna at ang sasakyan ay dapat hindi na gumana o ligtas na imaneho. Hindi masasakop ang mga kosmetikong pag-aayos. Ang tulong ay karaniwang limitado sa isang sasakyan. Kung mayroong pangalawang gumagana na sasakyan sa sambahayan, dapat patunayan ng aplikante nang nakasulat na ang nasirang sasakyan ay mahalaga para sa pang-araw-araw na paggamit ng sambahayan. Iba pang mga kadahilanan na dapat tandaan: 

  • Ang sasakyan ay dapat sumunod sa mga kinakailangan sa pagpaparehistro ng estado at seguro.
  • Ang sasakyan ay dapat na pagmamay-ari o inuupahann (hindi isang rental) ng aplikante, kasamang aplikante, o miyembro ng sambahayan.
  • Ang nasirang sasakyan ay dapat na isang naaprubahang uri ng sasakyan, tulad ng kotse, trak, SUV o van.

Hinihikayat ang mga may-ari at nagrerenta na mag-apply online sa DisasterAssistance.gov o sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA App. Maaari ka ring mag-aplay sa pamamagitan ng telepono sa 800-621-3362. Kung pipiliin mong mag-apply sa pamamagitan ng telepono, mangyaring unawain na mga oras ng paghihintay ay maaaring mas mahaba dahil sa pagtaas ng dami para sa maraming kamakailang sakuna. Ang mga linya ay bukas araw-araw at magagamit ang tulong sa karamihan ng mga wika. Kung gumagamit ka ng isang relay service, caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Para sa isang naa-access na video tungkol sa kung paano mag-aplay para sa tulong pumunta sa FEMA Accessible: Application for Individual Assistance - YouTube.

Kung nag-apply ka sa FEMA pagkatapos ng mga Hurricane Debby o Helene at may karagdagang pinsala mula sa Hurricane Milton, kakailanganin mong mag-apply nang hiwalay para sa Milton at ibigay ang mga petsa ng iyong pinakabagong pinsala.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/disaster/4828. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update