Tulong sa Transisyunal na Pagpapasilong

Ang programang Transitional Sheltering Assistance (TSA) ng FEMA ay naghahandog ng panandaliang anyo ng non-congregate sheltering assistance para sa mga taong karapat-dapat at nawalan ng tirahan na nanganganlong sa mga lokasyon ng emergency shelter.[1] Ang FEMA ay maaaring magsagawa ng TSA sa oras ng emerhensiya o mga pag-anunsiyo ng malubhang kalamidad na kasama ang pederal na tulong para sa mga indibidwal at pamamahay sa ilalim ng Seksyon 408 ng Stafford Act, at emergency sheltering na alinsunod sa Seksyon 403 o 502 ng Stafford Act. Ang TSA ay sakop sa paghati-hati ng gastos.[2]

Ang FEMA ay kumokontrata sa mga tagabigay ng matitirhan upang mangasiwa ng programang TSA. Ang kontraktor ay kumakalap ng mga ari-arian/pasilidad na matitirhan sa buong bansa at mga teritorya upang sumali sa programang TSA. Kapag ang TSA ay naaprubahan at naisagawa, ang mga nakikisaling otel are gagawing bakante para sa mga karapat-dapat na nagparehistro. Sinisiguro ng FEMA na makatarungan at walang-kinikilingan na naisagawa ang TSA, walang diskriminasyon batay sa lahi, kulay, relihiyon, bansang pinagmulan, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o kalagayan sa pananalapi. 

Bago makiusap ng TSA, ang isang State, Tribal, o Territorial Government (STT) ay dapat magtasa ng mga kasulukuyang opsyon sa pasilungan at tayahin ang lawak ng anumang nakaplanong non-congregate shelter na opsyon na may pederal na suporta, ang binabalak na populasyon, at ang plano sa transisyon. Kabilang ng mga karagdagang konsiderasyon ay:

  • Mga paglikas
  • congregate shelter 
  • Index ng Social Vulnerability
  • Inaasahang Populasyon ng Nawalan ng Tirahan 
  • Utilidad at Access  
  • Pagsusuri ng Pamamahay 

Ang STT na nakasulat na hinaing para sa TSA ay dapat mayroong:

  • STT Activation Request Letter na nilagdaan ng Gobernor/Tribal Chief Executive (TCE) o Authorized Representative ng Gobernor o TCE, habang tinutukoy ang mga kondisyon sa kasalukuyang kalamidad o emerhensiya upang suportahan ang hinaing sa TSA. 
  • Isang nilagdaan, kabuuang isinagawa, at tinanggap na Resource Request Form. 
  • Espesipikong haba ng oras na nakikiusap ang STT para magamit ang TSA, kasama ang pangangatwiran sa hinihinging durasyon. 
  • Pagtutukoy kung aling Individual Assistance (IA) ang nagtalaga ng mga hurisdiksyon na hinihingi ng STT ang TSA. 
  • Pagkilala sa paghati-hati ng gastos para sa TSA. 
  • Pagsusuri sa mga outage ng utilidad sa tinamaan na lugar at ang tinatantiyang araw ng restorasyon dito. 
  • Ang inaasahang panahon ng displacement o inaccessibility mula sa bahay o komunidad bago ang kalamidad ay lampas sa abilidad ng STT na isilong ang mga nakaligtas. 

Maaaring mag-apruba ang FEMA Individual Assistance Division Director (IADD) ng hiling mula sa STT para sa TSA sa ilalim ng alinman mga sumusunod na kondisyon:

  • Ang kasalukuyang kapasidad ng pasilungan ay hindi nakakatugon sa pangangailangan sa pasilungan ng populasyon na nawalan ng tirahan.
  • Kulang ang congregate sheltering support resources upang sumustento sa naroong mga pangangailangan sa pasilungan.
  • May pangangailangan na ibalik ang mga pasilidad na ginagamit bilang mga congregate shelter sa silbi nito bago ang kalamidad.
  • Ang mga lugar na paupahan ay hindi bakante o/at may presyo nasa loob ng fair market rent standards upang tumugon sa pangangailangan ng populasyon na nawalan ng tirahan sa loob ng apektadong lugar.

Maaaring ma-apruba ng IADD ang unang panahon ng TSA na hindi iikli pa sa 30 na araw at hanggang 180 na araw mula sa araw ng pag-anunsiyo ng kalamidad o emerhensiya. Kung inawtorisa ng IADD ang TSA nang mas maikli pa sa 180 na araw ng tulong, ang Regional Administrator (RA) ay may awtoridad na pahabain ang TSA sa kahit ilanmang araw hanggang umabot ito sa 180 na araw na siyang higdulan nito.

Ang mga nakaligtas na nawalan ng tirahan dahil sa kalamidad o mga nakaligtas sa emerhensiya ay maaaring karapat-dapat sa TSA kung nakumpleto nila ang valid na pagrehistro para sa FEMA disaster assistance at umabot sa kriteriya ng pagka-angkop.[3] Magsasagawa ang FEMA ng mga rebyu sa pagka-angkop sa tuwing dalawang linggo sa buong panahon na epektibo ito. Ang mga indibidwal ay bibigyan ng pitong araw bago matatapos ang pagka-angkop nila sa TSA. 

Mga Awtoridad

  • Seksyon 403(a)(3)(B) ng Robert T. Stafford Disaster Relief and Emergency Assistance Act, Public Law 93-288, na naka-code sa 42 U.S.C. §5107b(a)(3)(B), na siyang nagaw-awtorisa ng emergency sheltering para sa mga malubhang kalamidad na inanunsiyo  ng Presidente.
  • Seksyon 502(a)(6) at (8) ng Stafford Act, na naka-code sa 42 U.S.C. § 5192(a)(6) at (8), na siyang nagaw-awtorisa ng pederal na tulong sa mga indibidwal at pamamahay at emergency sheltering para sa mga emerhensiya na inanunsiyo ng Presidente.  
  • Seksyon 408 ng Stafford Act, na naka-code sa 42 U.S.C. § 5174, na siyang nagaw-awtorisa ng mga financial and direct services assistance para sa mga indibidwal at pamamahay para sa mga malubhang kalamidad na inanunsiyo ng Presidente.

Mga Sanggunian 

Mga talababa

  1.  Ang mga non-congregate shelter ay mga lugar kung saan and bawat indibidwal o pamamahay ay mayroong matitirhan na naghahandog ng privacy, tulad ng mga otel, motel, at mga dormitoryo.  Ang mga congregate shelters ay mga pasilidad na may malaki at bukas na espasyo, tulad ng paaralan, simbahan, at mga community center.   
  2. Tingnan ang Seksyon 403(b), 42 U.S.C. § 5170b(b), tungkol sa paghati-hati ng shares para sa mga pag-anunsiyo ng malubhang kalamidad nang may awtorisado sa Public Assistance; tingnan din Seksyon 503(a), 42 U.S.C. § 5193(a), tungkol sa paghati-hati ng shares para sa mga pag-anunsiyo ng emerhensiya sa ilalim ng Seksyon 502, 42 U.S.C. § 5192.
  3. Tingnan FEMA Policy #104-21-0008, Transitional Sheltering Assistance, July 2021, at mga Pangangailangan, Seksyon D para sa kriteriyang pagka-angkop ng unang nagparehistro.       
Tags:
Huling na-update