WASHINGTON – Patuloy ang pag-apekto ng Bagyong Harvey sa mga komunidad na timog-silangan ng Texas na may maaaring di-mapapantayang dami ng ulan at mga pag-ulat ng buhawi (tornado) sa kalakihang lugar ng Houston.
Patuloy na idinidiin ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) sa mga naninirahan at bisita ng mga apektadong lugar ng malupit na panahon ang patuloy na pagsubaybay sa mga lokal na istasyon ng radyo o TV para sa mga update tungkol sa impormasyong pang-emergency. Ang patuloy na epekto ng mabigat na pag-ulan, na naghahatid ng mabilisang pagbaha (flash flood) at halos di-mapantayang pagbabaha sa daan-daang milya ang siyang pinakamalaking isyu sa mga darating pang araw
“Nananatiling may malaking nakamamatay na panganib ang bagyong ito at hindi dapat maliitin,” sabi ni Administrador Brock Long ng FEMA. “Dahil sa patuloy na malawakang pagbaha at pananalanta, kailangang sundin ng bawat taong nasa tinatahak nito ang mga babala ng kanilang mga lokal na opisyal.”
Sa gitna ng mga pag-ulat ng mabilis na pagtaas ng tubig na pumapasok sa mga tahanan at malawakang pag-ulat ng mga ‘di-malagusang daanan dahil sa sobrang pagbaha, nagliligtas ng buhay at sumusuporta sa mga operasyong pansaklolo mula sa mabilis na agos ang mga team ng Urban Search and Rescue ng FEMA. Gumagamit naman ang United States Coast Guard ng mga shallow-draft na sasakyan upang tumulong maghanap at magligtas sa mga binabahang lugar, habang nagtatasa ng pananalasa at nagpa-patrol para sa paghahanap at pagliligtas mula sa himpapawid ang mga tauhang panghimpapawid.
I-download ang FEMA mobile app (sa Ingles at Kastila) para sa mga impormasyon sa mga shelter, mapagkukunan tungkol sa sakuna, alerto sa panahon, at tip sa kaligtasan. Nararapat gumamit ng social media gaya ng Facebook o Twitter ang mga naninirahang apektado ng bagyong ito upang makakonekta sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sa ngayon, ipinosisyon ng FEMA ang mga sumusunod na suplay sa pangangailangan sa Gulf Coast Incident Support Base at mga lugar ng paghahanda sa Texas at Louisiana: higit sa 490,000 litro ng tubig, 524,000 na pagkain, 20,500 na tolda, at 60 generator. May mga maghapon-at- magdamag na tauhan ang FEMA sa mga sentro ng pamumudmod sa Fort Worth, Texas. Nagpapadala rin ito ng mga karagdagang suplay sa pangangailangan kung kinakailangan at hinihiling.
Naka-deploy sa mga sentro ng operasyong pang-emergency (Emergency Operations Centers (EOC)) sa Texas at Louisiana ang FEMA Incident Management Assistance Teams (IMAT) upang sumuporta sa patuloy na paghahanda at pagtugon na nagaganap, at upang siguraduhin na walang pangangailangang hindi natutugunan mula sa mga estado. Patuloy na ipinapadala mula sa buong bansa ang karagdagang team at mga tauhan sa mga lugar na ito.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Bagyong Harvey, kasama ang mga naka-deploy na mapagkukunan at ina-update na impormasyon, pumunta sa: http://www.fema.gov/hurricane-harvey.
Kaligtasan
Ang mga sumusunod ay mga kaalamang pangkaligtasan kung kayo ay nasa isang lugar na naapektuhan o naaapektuhan pa rin ng bagyo:
- Makinig sa mga lokal na opisyal para sa mga update at tagubilin. Kung naaapektuhan pa rin ng bagyo ang inyong lugar at iniuutos ng inyong lokal na opisyal na kayo ay lumikas, gawin ito agad. Kung kayo ay lumikas na at nagpaplanong bumalik sa inyong bahay, umuwi lamang kapag sinabi ng mga lokal na opisyal na ligtas nang umuwi.
- Iwasan ang mga kalat ng bagyo, natumbang poste ng koryente, at tubig-baha, na maaaring may koryente, at takpan ang mga mapapanganib na kalat at lugar na inagos ang lupa o semento. Iwasan ang mga natumbang linya ng koryente dahil maaaring buhay ang mga ito at nakamamatay. Lumayo sa mga ito at iulat agad sa kompanya ng inyong koryente o utility.
- Maaaring may mga trabahador na pang-emergency na tumutulong sa mga tao sa mga binahang lugar o naglilinis ng mga kalat. Makakatulong kayo sa kanila sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga daanang ginagalawan nila at huwag maging sagabal hangga’t maaari.
- Kung may tubig-baha sa loob o sa paligid ng inyong bahay, huwag maglakad o magtampisaw dito. Maaaring nasamahan ng langis, gasolina o lamang-imburnal ito.
- Kung binaha ang inyong basement sa bahay, huwag na huwag susubukang patayin ang koryente o galawin ang mga circuit braker habang nakatayo sa tubig.
- Kung walang koryente, ligtas na gumamit ng generator o mga flashlight na gumagamit ng baterya.
- Huwag na huwag gagamit ng generator sa loob ng bahay, basement, shed o garahe, kahit na bukas ang mga pinto at bintana.
- Panatilihing nasa labas ang mga generator at malayo sa mga bintana, pinto at vent. Basahin ang mga label at manwal ng may-ari ng inyong generator at sundin ang mga tagubilin ng mga ito.
- Iwasan ang pag-plug na mga generator na pang-emergency sa mga outlet ng koryente o ang ikabit sila nang direkta sa sistema ng koryente ng inyong bahay – nakakapagpadaloy ang mga ito ng koryente sa mga linya ng koryente, at mailalagay kayo at ang mga trabahador ng koryente sa panganib.
- Upang matuto pa tungkol sa kung ano’ng dapat gawin bago, habang o pagkatapos ng malupit na panahon, bisitahin ang www.Ready.gov at www.Listo.gov.