Ano ang mga pamantayan sa karapat-dapat para sa TSA?
Maaaring magbayad ang FEMA para sa pansamantalang tirahan sa mga hotel/motel kung matutugunan mo ang lahat ng sumusunod na pamantayan:
- Nakita sa inspeksyon ng FEMA ang iyong tahanan ay hindi ligtas na matirahan.
- Wala kang seguro na nagbibigay ng mga pang-gastos sa pamumuhay kasunod ng sakuna.
- Ang iyong aplikasyon ng FEMA ay aktibo.
Paano ako aabisuhan kung hindi na ako karapat-dapat para sa tulong?
Makikipag-ugnayan sa iyo ng FEMA sa pamamagitan ng text, email at/o tawag sa telepono pitong araw bago ka dapat mag-check out.
Paano mawawala ang aking pagiging karapat-dapat para sa tulong sa TSA?
Susuriin ng FEMA ang iyong pagiging karapat-dapat para sa patuloy na tulong tuwing 14 araw, at maaaring ituring na hindi ka karapat-dapat para sa Transitional Sheltering Assistance kung:
- Natuklasan sa inspeksyon ng FEMA na ligtas ang iyong tahanan na tirahan.
- Hindi makumpleto ng isang inspektor ang inspeksyon sa bahay pagkatapos ng tatlong pagtatangka na makipag-ugnayan sa iyo, o nabigo kang magpakita para sa isang inspeksyon.
- May ibang tao sa iyong sambahayan ang nakakakuha ng tulong sa pabahay ng FEMA.
- Nakakakuha ka na ngayon ng tulong sa pag-upa mula sa FEMA.
- Hindi ka pa nagsumite ng dokumentasyon na nagpapatunay na hindi ka nakakakuha ng mga benepisyo sa seguro para sa pagkawala ng paggamit o karagdagang gastos sa paninirahan.
- Nabigo kang sumunod sa mga tuntunin at kundisyon ng motel/hotel kung saan ikaw ay nananatili.
Ako ay nabisuhan na hindi na ako karapat-dapat para sa tulong. Ano ang kailangan kong gawin upang ipakita na kailangan kong manatili sa aking hotel?
Maaaring kailanganin mong magbigay ng dokumentasyon na nagpapatunay na hindi ka nakakakuha ng mga benepisyo sa seguro para sa pagkawala ng paggamit o karagdagang gastos sa paninirahan. Maaaring kailanganin mo ring ipakita na ang bahay na nabanggit sa iyong aplikasyon ay ang iyong pangunahing tirahan.
Sinabi sa akin na hindi ako karapat-dapat para sa karagdagang tulong dahil hindi ko pa ginagawa ang aking Permanenteng Plano sa Pabahay. Ano ang Permanenteng Plano sa Pabahay at ano ang kailangan kong gawin?
Maaaring kwalipikado ang mga aplikante para sa patuloy na tulong batay sa isang ipinakita na pangangailangan bilang karagdagan sa pagkakaroon ng isang pangmatagalang o permanenteng plano sa pabahay o nagpakita ng pag-abante patungo sa pagpapaunlad ng isang pangmatagalang plano.
Ang mga nakaligtas na tumatanggap ng pondo ng FEMA, kabilang ang tulong sa TSA, tulong sa pag-upa at pabahay na ibinigay ng FEMA ay kailangang gumawa ng plano para sa paglipat sa permanenteng pabahay. Kung hindi ka pa maaaring lumipat sa isang permanenteng bahay at kailangan mo ng tulong sa FEMA upang magpatuloy, kailangan mong ipakita sa FEMA ang pag-unlad sa iyong plano sa pabahay.
Ang mga nakaligtas ay maaaring magpakita ng pag-unlad ng pangmatagalang plano sa pabahay kung sila ay:
- Magpasya kung ayusin o muling itayo ang bahay bago ang sakuna, maghanap at bumili ng bagong tirahan, o maghanap at magrenta ng magagamit na yunit ng renta.
- Magbigay ng katibayan ng pag-unlad - tulad ng mga invoice para sa pag-aayos, aplikasyon para sa karagdagang pondo (SBA, bangko, atbp.), kontrata para sa muling pagtatayo o isang pag-upa para sa isang bagong bahay.
- Magbigay ng katibayan ng sanhi para sa mga pagkaantala na wala sa iyong kontrol.
- Makamit ang mga pangmatagalang layunin ng plano sa pabahay sa isang makatwirang haba ng panahon.
- Tuparin ang mga kahilingan upang makipag-usap at maki-pagkita sa miyembro ng kawani ng FEMA.
Ano ang gagawin ko ngayon na hindi na ako karapat-dapat para sa Transitional Sheltering Assistance?
Mayroon ka pa ring access sa iba pang mga mapagkukunan ng tulong sa sakuna, kabilang ang impormasyon tungkol sa karagdagang mga pagpipilian sa pabahay sa pamamagitan ng Activate Hope sa HopeFlorida.com o (833) GET-HOPE (833-438-4673), pati na rin ang 211 ng Estado ng Florida pagkatapos matapos ang iyong pagiging karapat-dapat sa programa ng TSA.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Hurricane Milton, bisitahin ang fema.gov/tl/disaster/4834. Para sa impormasyon sa pagbawi ng Hurricane Helene, bisitahin ang fema.gov/tl/disaster/4828. Para sa Hurricane Debby, bisitahin ang fema.gov/disaster/4806. I-follow ang FEMA sa X sa x.com/femaregion4 o sa Facebook sa facebook.com/fema.