ANG TULONG NG FEMA AY UMABOT NA SA $50 MILYON PARA SA MGA ILLINOISAN NA NAAPEKTUHAN NG MATITINDING BAGYO SA KALAGITNAAN NG HULYO [https://www.fema.gov/tl/press-release/20241013/fema-assistance-tops-50-million-illinoisans-affected-mid-july-severe-storms] Release Date: Oktubre 13, 2024 SPRINGFIELD – Wala pang isang buwan mula noong idineklara ni Pangulong Joe Biden ang malaking sakuna para sa estado ng Illinois, umabot na sa $50.6 MILYON ang tulong ng FEMA para sa mga sambahayan na naapektuhan ng matitinding bagyo, buhawi, diretsong hangin, at pagbaha noong Hulyo 13 -16. Ang mga grant na ito ay tumutulong sa pagbabayad para sa mga pagkalugi na hindi naka-insured at underinsured at pinsalang nauugnay sa bagyo, kabilang ang: * Higit sa $24 MILYON na mga grant sa pabahay upang tumulong sa pagbabayad para sa pagkumpuni ng bahay, pagpapalit ng bahay at tulong sa pag-upa para sa pansamantalang pabahay. * Mahigit sa $26.5 MILYON na Tulong para sa Ibang Pangangailangan (Other Needs Assistance) na mga grant bilang tulong sa pagbabayad para palitan ang mga personal na ari-arian at iba pang seryosong pangangailangang nauugnay sa bagyo—tulad ng mga bayarin sa paglipat at pag-iimbak, transportasyon, pangangalaga sa bata, at mga gastos sa medikal at ngipin. Mahigit sa $1.6 MILYON sa pangmatagalan, mababang interes na mga pautang sa sakuna (disaster loan) ang inaprubahan ng U.S. Small Business Administration para sa mga may-ari ng bahay at nangungupahan upang tumulong sa pagkumpuni, muling pagtatayo o pagpapalit ng pisikal na ari-arian na napinsala ng kalamidad at upang saklawin ang pinsala sa ekonomiya para sa mga negosyo sa lahat ng laki at mga non-profit na organisasyon. Ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan na napinsala ng bagyo noong Hulyo 13 - 16 sa kanilang tahanan o personal na ari-arian sa pitong itinalagang county kabilang ang, Cook, Fulton, Henry, St. Clair, Washington, Will at Winnebago, ay may hanggang NOBYEMBRE 19 na deadline para mag-aplay para sa tulong sa sakuna mula sa FEMA at U.S. Small Business Administration. Mag-apply para sa tulong ng FEMA sa ilang paraan: * Mag-online sa DisasterAssistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/].  * Gamitin ang FEMA mobile app [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-products].  * Nang personal sa Disaster Recovery Center. Nang personal sa Disaster Recovery Center, www.FEMA.gov/DRC [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator]. * Tawagan ang helpline ng FEMA sa 800-621-3362. May available na mga multilingual na operator. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon. Matuto nang higit pa tungkol sa tulong sa sakuna ng SBA sa www.sba.gov/funding-programs/disaster-assistance [https://www.sba.gov/funding-programs/disaster-assistance]. Bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819 [http://www.fema.gov/disaster/4819] para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa sakuna sa Illinois.