PAANO IAPELA ANG DESISYON NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/how-appeal-femas-decision-12] Release Date: Nov 15, 2023 Kung nakatanggap ka ng sulat mula sa FEMA na nagsasabing hindi ka karapat-dapat para sa tulong, huwag mataranta. Nangangahulugan lamang ito na maaaring kailangan ng FEMA ng karagdagang impormasyon. Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA tungkol sa iyong aplikasyon, maaari kang umapela. Karapatan mo ito. Ang FEMA ay nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga karapat-dapat na indibidwal at sambahayan na may mga gastusin na may kaugnayan sa sakuna na hindi naka-insured o kulang sa insurance. Ayon sa batas, ang Programa ng Mga Indibidwal at Sambahayan ng FEMA ay hindi makakapagbigay ng pagpopondo kapag ang anumang iba pang mapagkukunan - insurance, crowdfunding o tulong pinansyal mula sa mga boluntaryong ahensya - ay sumaklaw sa mga gastos para sa parehong pangangailangang nauugnay sa kalamidad. Kung hindi saklaw ng iyong insurance ang lahat ng nawala sa iyo, o naantala ang iyong settlement, maaari kang maging karapat-dapat sa tulong para sa iyong mga pangangailangan na hindi natutugunan. Kung napagpasyahan kang hindi karapat-dapat para sa tulong, magpapadala ang FEMA ng sulat na nagpapaliwanag kung bakit hindi ka naging kwalipikado. Nagbibigay ito sa iyo ng pagkakataong iapela ang desisyon. ANG PROSESO NG APELA * Ang apela ay isang nakasulat na kahilingan sa FEMA para suriin ang iyong aplikasyon. Isa rin itong pagkakataon na magbigay ng bago o karagdagang impormasyon na hindi pa naisumite dati na maaaring makaapekto sa desisyon ng FEMA. Maaari kang mag-apela sa anumang desisyon ng FEMA tungkol sa iyong aplikasyon para sa Indibidwal na Tulong. Halimbawa, maaari mong iapela ang iyong paunang desisyon sa pagiging karapat-dapat, ang halaga o uri ng tulong na ibinigay ng FEMA, mga huling aplikasyon, mga kahilingang magbalik ng pera, o isang pagtanggi sa Patuloy na Pansamantalang Tulong sa Pabahay. * Ang apela ay dapat isumite sa FEMA sa loob ng 60 araw mula sa petsa sa sulat ng pagpapasiya. Sa iyong napetsahan at nilagdaang sulat ng apela, ipaliwanag kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa desisyon. Tiyaking isama ang sumusunod: * Buong pangalan ng aplikante, kasalukuyang address at nasirang tirahan * Sa bawat pahina, isama ang siyam na digit na numero ng aplikasyon sa FEMA ng aplikante (matatagpuan sa itaas ng sulat ng pagpapasiya) * Ang numero ng deklarasyon ng kalamidad ng FEMA para sa Hawaii: DR-4724-HI * Lagda ng aplikante at ang petsa * Kung pipiliin mong magsumite ng apela ang ibang tao para sa iyo, ang sulat ng apela ay dapat lagdaan ng taong iyon. Isama rin ang iyong nilagdaang pahayag na nagpapahintulot sa taong iyon na gumawa ng apela para sa iyo. * Ipadala ang iyong sulat ng apela sa: FEMA INDIVIDUALS & HOUSEHOLDS PROGRAM   NATIONAL PROCESSING SERVICE CENTER P.O. BOX 10055 HYATTSVILLE, MD 20782-8055 * Ang mga sulat ng apela at pansuportang dokumentasyon ay maaari ding i-upload sa iyong account sa DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/] o maaari mong i-fax ang iyong sulat sa 800-827-8112. Kung hindi ka nag-apply para sa tulong ngunit nakatanggap ka ng sulat mula sa FEMA, tawagan ang DISASTER ASSISTANCE HELPLINE SA 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay gaya ng Serbisyo ng Video Relay, serbisyo ng telepono na may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka. Ang mga helpline operators ay nagsasalita ng maraming wika at ang mga linya ay bukas 24 na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo. Pindutin ang 2 para sa Espanyol. Pindutin ang 3 para sa tagapagsalin na nagsasalita ng iyong wika. Kung naniniwala ka na biktima ka ng pandarayan (scam), i-report ito kaagad sa Maui Police Department sa 808-244-6400. Ang mga consumers ay maaari ding mag-file ng reklamo sa pandaraya sa Hawaii Department of Commerce and Consumer Affairs sa 808-587-4272 (Opsyon 7). Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa malaking sunog (wildfire) sa Maui, bisitahin ang mauicounty.gov [https://www.mauicounty.gov/] at fema.gov/disaster/4724. [https://www.fema.gov/disaster/4724] I-follow ang @FEMARegion9 [https://twitter.com/femaregion9] at facebook.com/fema [http://www.facebook.com/fema].Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires [https://www.sba.gov/hawaii-wildfires].