ISINASAGAWA NG FEMA ANG MGA INSPEKSYON PARA SA BAGYONG IDALIA [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231106/fema-inspections-underway-hurricane-idalia] Release Date: November 6, 2023 LAKE MARY, FLA. –Kung nag-apply ka para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng Bagyong Idalia, maaari kang kontakin ng isang inspektor ng FEMA para mag-iskedyul ng isang inspeksyon sa bahay. Ang isang inspeksyon ng FEMA ay maaaring kailanganin upang matiyak kung ang isang bahay ay ligtas, malinis, magagamit, at naa-access. Isinasaalang-alang ng FEMA ang mga sumusunod na salik sa pagdedetermina kung ang isang aplikante ay karapat-dapat na makatanggap ng tulong: * Ang panlabas na istruktura ba ng bahay ay nasa mabuting kondisyon, kabilang ang mga pinto, bubong, at bintana? * Gumagana ba nang maayos ang kuryente, gas, init, pagtutubero, imburnal at posonegro? * Matitirahan at nasa mabuting kondisyon ba ang istruktura ng loob ng bahay, kabilang ang kisame at mga sahig? * May kakayahan ba ang bahay na magamit ayon sa layunin nito? * Mayroon bang ligtas na daan papunta sa at mula ng bahay? Walang bayad ang inspeksyon. Ang inspektor ay mayroong pagkakakilanlan ng FEMA na may larawan at ang iyong numero ng aplikasyon. Unawain mo na ang tawag sa telepono ay maaaring manggaling sa isang hindi kilalang numero. Ang mga aplikante na walang kakayahang makipagkita sa inspektor ay maaaring magpakilos ng kaibigan o kamag-anak sa ngalan nila. Kailangan nilang magsumite ng isang pinirmahang kasulatang kahilingan na kikilos ang isang ikatlong partido sa ngalan nila. Kung kailangan mo ng tulong para sa wika o kapansanan, tumawag sa 800-621-3362 nang maaga sa inspeksyon at ipaalam sa FEMA ang iyong pangangailangan. Kung kumontak ang isang FEMA na inspektor ng bahay pero walang sinuman sa sambahayan ang nag-apply sa FEMA, mangyaring ipaalam sa inspektor na hindi ka nag-apply para sa tulong at abisuhan ang FEMA sa pamamagitan ng pagtawag sa Linya ng Tulong sa 800-621-3362, o sa pagbisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna. Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bumisita sa  floridadisaster.org/updates/ [http://www.floridadisaster.org/updates/] at fema.gov/disaster/4734 [https://www.fema.gov/disaster/4734]. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 [https://twitter.com/femaregion4] at sa facebook.com/fema [https://www.facebook.com/fema].