KUNG PAANO MAG-APELA NG MGA DESISYON NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231027/how-appeal-fema-decisions] Release Date: Oktubre 27, 2023 CHICAGO – Hindi ka makapaniwala! Ang FEMA ay nagpadala sa iyo ng liham ng pagpapasiya na nagsasabing hindi ka kasalukuyang inapruba para sa pederal na tulong sa sakuna kahit na nasira ang iyong bahay sa panahon ng bagyo at pagbaha noong Hunyo 29 – Hulyo 2. Ano ang gagawin mo ngayon? MAG-APELA!  Ang apela ay isang nakasulat na kahilingan sa FEMA upang suriin muli ang iyong file. Ito rin ay isang pagkakataon para sa iyo na magbigay ng bago o karagdagang impormasyon na hindi dating naisumite na maaaring makaapekto ng desisyon. Mayroon kang karapatang mag-apela sa anumang desisyon ng FEMA tungkol sa iyong aplikasyon para sa Tulong Pang-Indibidwal, tulad ng iyong unang pagpapasiya sa pagiging karapat-dapat, ang halaga o uri ng tulong na ibinigay sa iyo, nahuling aplikasyon, o kahilingan para magbalik ng pera. Ang isang apela ay dapat ihain sa anyo ng isang pinirmahang liham SA LOOB NG 60-ARAW mula sa petsang nasa sa liham ng pagpapasiya. Sa apela, ipaliwanag mo kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa desisyon. Siguraduhin mong isama ang mga sumusunod:  * Ang buong pangalan ng aplikante, kasalukuyang address at ang address ng nasirang tirahan. * Ang 9-digit na numero ng rehistrasyon sa FEMA na matatagpuan sa itaas ng liham ng pagpapasiya (sa bawat pahina). * Anumang nauugnay na dokumentasyon na sumusuporta sa iyong kahilingan, hal., pagtatantya ng kontrastista, mga tseke sa upa, pagsusulatan ng seguro, mga ulat ng inspeksyon, mga litrato ng nasira, mga resibo. * Ang numero ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA, DR-4728-IL (sa bawat pahina).  * Ang pirma ng aplikante at ang petsa. Kung pipiliin mong gumamit ng ikatlong partida para magsumite ng apela sa ngalan mo, kailangang pirmahan ng ikatlong partida ang liham ng apela. Bilang karagdagan, mangyaring isama ang isang pahayag na pinirmahan mo na nagpapahintulog sa ikatlong partida na mag-apela sa ngalan mo. Ipadala ang iyong liham ng apela sa: FEMA PROGRAMA PANG-INDIBIDWAL AT SAMBAHAYAN PAMBANSANG SENTRO NG SERBISYO SA PAGPOPROSESO P. O. BOX 10055 HYATTSVILLE, MD 20782-8055 Ang mga liham ng apela at sumusuportang dokumentasyon ay maaari ring i-upload sa iyong account sa DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], o maaari mong i-fax ito sa 800-827-8112. Maaaring nakakadismaya kapag tinanggihan ka para sa tulong ngunit basahin mong mabuti ang liham at hanggang sa kabuuan. Maaari mong malaman na may madaling solusyon para sa iyong problema – isang nawawalang pirma, isang hindi kumpletong address o isang nawawalang dokumento. Kung kailangan mo ng tulong at gusto mong makipag-usap sa isang kinatawan ng FEMA, bumisita sa kahit anong Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362. Maghanap ng sentro sa Tagahanap ng Sentro ng Pagbawi sa Sakuna ng FEMA [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator].  Tandaan, ang Individuals and Households Program (IHP o Programa Pang-Indibidwal at Sambahayan) ng FEMA ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong indibidwal at sambahayan na naapektuhan ng sakuna na may walang-seguro o may kakulangan sa seguro na mga gastos. Ang tulong ng FEMA ay hindi pareho sa seguro, at hindi rin nito kayang ibalik sa nakaligtas sa kanilang kondisyon bago ng sakuna. Ang pederal na tulong mula sa FEMA ay nagbibigay lamang ng pondo para sa pansamantalang pabahay at pangunahing pagpapagawa para maging ligtas, malinis, at magagamit ang isang bahay.  Ang karagdagang tulong sa sakuna ay maaaring makuha mula sa U.S. Small Business Administration (SBA o Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) na nag-aalok sa mga kwalipikadong may-ari ng bahay, umuupa, at negosyo ng mga pautansa sa kuna na may mababang-interes na rate. Makipag-ugnayan sa SBA sa pamamagitan nitong Sentro ng Serbisyo sa Parokyano ng Tulong sa Sakuna sa 800-659-2955 o bumisita sa https://www.sba.gov/funding-programs/disaster-assistance/physical-damage-loans.  Ang huling araw para mag-apply sa FEMA para sa pederal na tulong ay OKTUBRE 30. Habang ang panahon ng aplikasyon ay sarado pagkatapos ng petsang iyan, ang FEMA ay magpapatuloy na tumanggap at magproseso ng mga apela at tumulong sa mga aplikante na may katanungan. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa https://fema.gov/disaster/4728.    ### _Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)._