MGA EKSPERTO SA PAGPAPAGAAN NAGHAHANDOG NG PAYO SA MULING PAGTATAYO SA TAYLOR COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20231025/mitigation-experts-offer-rebuilding-advice-taylor-county] Release Date: Oktubre 25, 2023 LAKE MARY, FLA. – Habang muling nagtatayo ang mga Taga-Florida, ang mga nakaligtas ng Bagyong Idalia ay maaaring makakuha ng libreng payo kung paano magtayo muli nang mas malakas at mas ligtas laban sa mga bagyo. Ang mga eksperto sa pagpapagaan ng FEMA ay handa para sumagot sa mga tanong at mag-alok ng libreng payo sa pagpapabuti ng bahay at napatunayang pamamaraan upang mapigilan at mabawasan ang pinsala mula sa sakuna sa hinaharap. Itong impormasyon ay nakatuon para sa do-it-yourself work (ikaw mismo gagawa ng trabaho) at pangkalahatang kontratista. Ang mitigation (pagpapagaan) ay isang pagsisikap upang mabawasan ang pagkawala ng buhayat pagkasira sa pag-aari sa pamamagitan ng pagbawas ng epekto ng sakuna. Ang mga espesyalista ng FEMA ay nakahandang tumulong sa mga petsa at oras na nakalista sa: Suplay ng Traktor sa Perry, 2500 Timog na Parkway ng Byron Butler sa Perry Simula Huwebes, Oktubre 26 – Lunes hanggang Sabado: 8 n.u. hanggang 6 n.g., Sarado ng Linggo, hanggang Nobyembre 11. Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang  floridadisaster.org/updates/ [http://www.floridadisaster.org/updates/] at fema.gov/disaster/4734 [https://www.fema.gov/disaster/4734]. Sundan ang FEMA sa X, na dating kilala bilang Twitter, sa twitter.com/femaregion4 [https://twitter.com/femaregion4] at sa facebook.com/fema [https://www.facebook.com/fema].