TULONG SA KALINISAN [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/clean-and-sanitize-assistance-hurricane-idalia] Release Date: Sep 4, 2023 Kung ang iyong bahay ay nasira ng Bagyong Idalia ngunit kaya mong tumira doon nang ligtas, maaaring makabigay ang FEMA ng hanggang $300 sa isang-beses na tulong pinansyal para makatulong sa paglilinis. Itong tulong ay para sa mga kwalipikadong may-ari ng bahay at umuupa. Maaari kang maging karapat-dapat para sa tulong ng FEMA kung matugunan mo sumusunod na pamantayan:  * Ang iyong pangunahing bahay na pre-disaster (bago ng sakuna) ay dapat nasa county ng Citrus, Columbia, Dixie, Gilchrist, Hamilton, Hernando, Jefferson, Lafayette, Levy, Madison, Pasco, Pinellas, Suwannee o Taylor. * Ang isang inspeksyon ng FEMA ay magpapatunay na ang iyong bahay ay may pagkasira na dinulot ng sakuna; o kung ikaw ay isang umuupa, naintindihan ng inspeksyon na ang aksyon sa paglilinis ay kinakailangan o naumpisahan na. * Kung ikaw ay nakapaglinis na, itago ang iyong mga resibo para sa mga gamit, materyales o binayarang tulong. * Ang pagkasira ay hindi sakop ng iyong seguro. * Tiniyak ng FEMA na ang iyong pangunahing tirahan na nasira ng sakuna ay ligtas na tirhan. * Ang mga nakaligtas na nag-apply sa FEMA ay maaari ring maging kwalipikado para sa karagdagang uri ng pederal na tulong lampas ng Clean and Sanitize Assistance (Tulong sa Paglilinis). PAANO MAG-APPLY PARA SA TULONG NG FEMA Marami ang paraan para mag-apply: Mag-online sa DisasterAssistance.gov [https://www.disasterassistance.gov/], i-download ang FEMA App [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-products] para sa aparatong mobile, o tumawag ng libreng-toll sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 n.u. hanggang 11 n.g. Oras sa Silangan ng Estados Unidos. Makukuha ang tulong sa karamihan ng mga wika. Para makapanood ng magagamit na bidyo kung paano mag-apply, bumisita sa Tatlong Paraan Mag-rehistro para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI].