HUMINTO ANG MOBILE DISASTER RECOVERY CENTER SA ORANGE COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221114/mobile-disaster-recovery-center-making-stops-orange-county] Release Date: November 14, 2022 BRANDON, FLA. –Ang isang mobile Disaster Recovery Center na pinamamahalaan ng FEMA at ng Estado ng Florida ay titigil sa Orange County. Ang mga petsa at mga lokasyon ay: Lunes, Nob. 14 hanggang Huwebes, Nob. 17 sa: DOWNEY PARK 10107 Flowers Ave Orlando, FL 32825 Sabado, Nob. 19 (Sarado sa Linggo, Nob. 20) at Lunes, Nob. 21 hanggang Miyerkules, Nob. 23 sa: VETERANS MEMORIAL LIBRARY-ST. CLOUD BRANCH 810 13th Street Saint Cloud, Florida 34769 Ang mga oras sa mga center na ito ay 9 a.m. hanggang 6 p.m. araw-araw. Nagbibigay ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan. Mayroong ilang mga Disaster Recovery Center na tumatakbo sa buong apektadong lugar. Para makahanap ng center na malapit sayo, mag-online sa: DRC Locator [https://egateway.fema.gov/ESF6/DRCLocator] or floridadisaster.org [http://www.floridadisaster.org], o pwede ka magtext sa DRC kasama ang iyong Zip Code sa 43362. Sa ngayon, ang lahat ng mga sentro ay nagpapatakbo ng pitong araw sa isang linggo, ang mga oras ay maaaring mag-iba. Hindi kailangan ng appointment para makakuha ng tulong. Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-aplay. Ang mga nakaligtas sa sakuna ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], gamitin ang FEMA mobile app [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-app-text-messages] o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-aplay, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI].