TUMULONG PARA SA PAGBANGON DAHIL SA BAGYONG IAN; FEMA NAGHAHANAP NG TRABAHADOR [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221030/help-hurricane-ian-recovery-fema-hiring] Release Date: October 29, 2022 BRANDON, FLA. - Pumunta at magtabaho para sa FEMA at tumulong sa pagbangon ng komunidad mula sa Bagyong Ian. Ang FEMA ay nagsasagawa ng lokal na paghahanap ng trabahador para sa mahigit 300 na trabaho sa Brandon, Fort Myers, Kissimmee, Orlando at Sarasota. Ang ahensya ay naghahanap ng mga tao na my karanasan sa serbisyo sa kustomer, lohistiko, proteksiyon ng kapaligiran, pang-inhinyero, pamamahala sa emerhensiya, and marami pang ibang kategoriya ng trabaho. Ang mga trabahong ito ay buong oras at 120 araw na kasunduan na puwedeng pahabain depende sa mga pangangailangan sa pagpapatakbo. ANG MGA FEMA NA MGA LOKAL NA TRABAHADOR AY KARAPAT-DAPAT SA MGA SUMUSUNOD NA BENEPISYO * Seguridad sa kalusugan para sa indibidwal or pang-pamilya. Kontribusiyon ng nagpapatrabaho ay 75% ng bayad sa seguridad. Ang mga Lokal na Trabahador ay karapat-dapat para sa pagpapatala sa saklaw ng seguridad sa kalusugan umpisa sa opisyal na araw ng pagkatanggap sa trabaho sa FEMA. * Naayos na halaga ng paggasta * Pederal na pangmatagalang seguro sa pangangalaga * Kakayahang kumita ng 4 oras na bayad para sa hindi pagpasok dahil sa sakit bawat panahon ng suweldo * Bayad sa bakasyon * Kompensasyon ng mga manggagawa Ang mga aplikante ay dapat mamamayan ng Estados Unidos, 18 anyos o mas matanda pa, at may diploma sa mataas na paaralan o GED. Kakailanganin na pumasa ang mga indibidwal sa karanasang imbestigasyon kasama ang tatak ng mga daliri at pagsusuri ng kredito, may kakayanan magbigay ng kanilang sariling transportasyon papunta at pabalik sa trabaho at nakatira sa loob ng 50 milya sa kanilang opisinang pinagtatrabahuhan Ang panunuluyan at pagkain ay hindi sakop o ibabalik ng ahensya. Kinakailangan din ang mga empleyado na lumahok sa mandatoryong direktang deposito/electronik na paglipat ng pondo para sa pagkuha ng kanilang suweldo. PAANO MAG-APLAY Ang mga interesadong kandidato ay hinihikayat na mag-aplay online sa pamamagitan ng USAJobs.gov [https://www.usajobs.gov/] Habang nagbabago ang mga pangangailangan sa pagpapatakbo ng kalamidad, ang mga bagong posisyon ay ipo-post sa USAJobs. MAAARING MAABISUHAN ANG MGA KANDIDATO KAPAG NAG-POST ANG MGA POSISYON NG FEMA LOKAL NA TRABAHADOR. Maaari kang mag-save ng paghahanap upang matulungan kang makahanap ng mga trabaho sa iyong lugar ng interes sa pamamagitan ng USAJobs. Para sa mga tagubilin, mangyaring bisitahin ang: USAJOBS Help Center | Paano mag-save ng paghahanap [https://www.usajobs.gov/help/how-to/search/save/#:%7E:text=Start%20a%20job%20search%20by,you%20manage%20your%20saved%20searches.].