MAGBUBUKAS ANG DISASTER RECOVERY CENTER SA DESOTO COUNTY [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221017/disaster-recovery-center-opens-desoto-county] Release Date: Oktubre 17, 2022 TALLAHASSEE – Nagbukas ang Estado ng Florida at ang FEMA ng karagdagang Disaster Recovery Center (Mga Sentro sa Pagbangon sa Sakuna, DRC) sa DeSoto County.   DESOTO COUNTY DESOTO LIBRARY: 125 N HILLSBOROUGH AVE., ARCADIA, FL 34266 Bukas ang center mula 8 a.m. hanggang 7 p.m. pitong araw sa isang linggo.   Nagbibigay ang mga Disaster Recovery Center sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.   Nagseserbisyo ang ibang center sa mga sumusunod na lokasyon, 9 a.m. hanggang 6 p.m. pitong araw sa isang linggo maliban kung iba ang isasaad.   CHARLOTTE COUNTY Tringali Rec Center, 3450 N Access Rd., Englewood, FL 34224 Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw.   COLLIER COUNTY Veterans Community Park, 1895 Veterans Park Dr., Naples, FL 34109   HARDEE COUNTY Wauchula Civic Center, 515 Civic Center Dr., Wauchula, FL 33873   HIGHLANDS COUNTY Highlands County Extension Office, 4509 George Blvd., Sebring, FL 33875   LAKE COUNTY First Baptist Church of Astor Lake County, 24731 Ann St., Astor, FL 32102   LEE COUNTY Lakes Regional Library, 15290 Bass Road, Fort Myers, FL 33919 Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m.   LEE COUNTY Fort Myers DMS Building, 2295 Victoria Ave., Fort Myers, FL 33901 Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. ORANGE COUNTY Barnett Park, 4801 W. Colonial Dr., Orlando, FL 32808   OSCEOLA COUNTY Hart Memorial Central Library, 211 E. Dakin Ave., Kissimmee, FL 34741   POLK COUNTY W.H. Stuart Center, 1702 S. Holland Pkwy., Bartow, FL 33830   SARASOTA COUNTY Shannon Staub Public Library, 4675 Career La., North Port, FL 34289   SEMINOLE COUNTY Seminole State College - Barbara Miller Automotive Center, 100 Weldon Blvd., Sanford, FL 32773   ST. JOHNS COUNTY Wind Mitigation Building, 3111 Agricultural Center Dr., St. Augustine, FL 32092   VOLUSIA COUNTY Volusia County Health Department, 1845 Holsonback Dr., Daytona Beach, FL 32117   Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-apply. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], gamitin ang FEMA mobile app [https://www.fema.gov/about/news-multimedia/mobile-app-text-messages] o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Available ang tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng serbisyo ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-apply, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube [https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI].   May mga serbisyo ng interpreter at mga isinaling materyal na available sa mga center na ito para tulungan kang makipag-usap sa wikang pinakakomportable kang gamitin. Pinipili ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center para sa kanilang pagiging madaling ma-access, na may layuning maabot ang mas maraming tao hanggang posible.   Bukod sa mga sentro, ang mga pangkat ng FEMA Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance, DSA) ay nagka-canvass sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Ian upang matulungan ang mga residente na mag-aplay para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Ang mga pangkat ng DSA ay nagsusuot ng FEMA attire at may mga badge ng pagkakakilanlan ng pederal na may larawan. Walang bayad para sa serbisyo.   Ang Indibidwal na Tulong ng FEMA ay maaaring makatulong sa mga pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagkukumpuni ng bahay at iba pang mahahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna.