MGA KARAGDAGANG FLORIDA COUNTY NA KWALIPIKADO PARA SA FEMA PUBLIC ASSISTANCE [https://www.fema.gov/tl/press-release/20221008/additional-florida-counties-eligible-fema-public-assistance] Release Date: Oktubre 6, 2022 TALLAHASSEE — Kwalipikado na ngayon ang pitong Florida county para sa FEMA Public Assistance para sa pagkumpuni o pagpapalit ng mga pampublikong pasilidad na nasira ng Hurricane Ian. Ang mga county ay DeSoto, Flagler, Hillsborough, Putnam, Seminole, St. Johns at Volusia. Kwalipikado ang dalawang karagdagang county, ang Indian River at Monroe, para sa pagtatanggal ng mga kalat at dumi at pagkukumpuni o pagpapalit ng mga pampublikong pasilidad na napinsala ng sakuna. Kwalipikado ang lahat ng 67 county at ang Miccosukee Tribe of Indians of Florida para sa mga emergency na hakbang sa proteksyon. Inaprubahan ng FEMA ang 100 porsyentong pederal na pagpopondo para sa pagtatanggal ng mga kalat at dumi at mga pang-emerhensyang hakbang sa proteksyon, kabilang ang direktang tulong ng pederal sa loob ng 60 araw. Ang programa ng Public Assistance ng FEMA ay nagbibigay ng reimbursement sa mga ahensya ng pamahalaang lokal at estado para sa mga gastos sa pagtugon sa emerhensya, pagtatanggal ng mga kalat at dumi at pagpapanumbalik ng mga pampublikong pasilidad at imprastraktura na napinsala ng sakuna. Ang mga bahay sambahan at iba pang nonprofit na organisasyon ay maaari ding maging kwalipikado para sa FEMA Public Assistance.