PAANO UMAPELA SA DESISYON NG FEMA [https://www.fema.gov/tl/fact-sheet/how-appeal-femas-decision-4] Release Date: Oct 4, 2022 Kung makakatanggap ka ng liham mula sa FEMA na nagsasabing hindi ka karapat-dapat makatanggap ng tulong, maaari kang mag-apela at magbigay ng karagdagang impormasyon. Indibidwal at Sambahayang Programa ng FEMA (Individuals and Households Program IHP) ay nagbibgay ng pinansyal na tulong sa mga karapat-dapat na mga idibidwal at sambahayan na apektado ng sakuna na mayroong mga hindi insured o kulang ang insurance sa mga gastos na may kaugnayan sa sakuna.  Hindi makakapagbigay ng tulong ang FEMA sa mga pagkalugi na saklaw ng insurance. Kung hindi saklaw ng insurance ang iyong mga lugi, o kung ito ay naantala, maaari kang maging karapat-dapat tumanggap ng tulong para sa iyong mga pangangailangan. Kung ikaw ay natukoy na hindi karapat-dapat para sa tulong, magbibigay ang FEMA ng liham na nagpapaliwanag kung bakit hindi ka kwalipikado at ang oportunidad na mag-apela. ANG PROSES NG PAG-APELA Ang apela ay isang nakasulat na hiling sa FEMA na muling suriin ang iyong file, at ang oportunidad na makapagbigay ng bago o karagdagang impormasyon na hindi naisumite noong una na maaaring makaapekto sa desisyon. Maaari kang mag-apela sa kahit anong desisyon ng FEMA patungkol sa iyong aplikasyon para sa Indibidwal na Tulong, tulad ng desisyon ng iyong paunang pagiging karapat-dapat, ang dami o uri ng tulong na ibibigay sa iyo, naantalang aplikasyon, ang paghingi na ibalik ang pera, o ang pagtanggi sa Patuloy na Pansamantalang Tulong sa Pabahay. Kailangang mai-file ang apela sa porma ng lagdadong liham sa loob ng 60 araw sa petsa ng sulat ng pagpapasya. Sa apela, ipaliwanag kung bakit hindi ka sumasang-ayon sa desisyon. Siguraduhing isama ang mga sumusunod:  * Buong pangalan ng aplikante, kasalukuyang adres, at ang adres ng nasirang tirahan * Ang 9-digit na numero ng aplikasyon sa FEMA ng aplikante, matatagpuan sa itaas ng sulat ng pagpapasya (sa bawat pahina) * Numero ng deklarasyon ng sakuna ng FEMA, halimbawa DR-4673-FL (sa bawat pahina) * Lagda ng aplikante at ang petsa Kung pinipili mong magkaroon ng pangatlong partido, magsumite ng apela sa ngalan mo, ang sulat ng pag-apela ay kailangang lagdado ng pangatlong partido. Dagdag pa rito, mangyaring isama ang lagdadong pahayag mo na nag-aawtorisa sa pangatlong partido para mag-apela sa ngalan mo. Ipadala ang iyong sulat ng pag-apela sa: Mga Indibidwal ng FEMA at mga Programang Pabahay National Processing Service Center P. O. Box 10055 Hyattsville, MD 20782-8055 Mga liham ng apela at mga pansuportang dokumentasyon ay maaaring ma-upload sa iyong account sa DisasterAssistance.gov [http://www.disasterassistance.gov/], o maaari kang magfax sa 800-827-8112.