KAILANGAN NG FEMA ANG IYONG KASALUKUYANG IMPORMASYON SA PAKIKIPAG-UGNAYAN [https://www.fema.gov/tl/press-release/20201022/fema-can-thong-tin-lien-lac-hien-tai-cua-quy-vi] Release Date: Oktubre 22, 2020 PENSACOLA, FLA. – Pagkatapos mong magparehistro para sa pederal na tulong na pansakuna, mahalagang makipag-ugnayan sa iyo ang FEMA. Tandaan na ang mga tawag mula sa FEMA ay maaaring lumitaw mula sa mga hindi matukoy na numero ng telepono at tiyakin alam ng FEMA ang iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan. Maaaring kailanganin ng FEMA na tawagan ang ilang nakaligtasa sa sakuna sa mga county ng Bay, Escambia, Okaloosa, Santa Rosa at Walton upang magsagawa ng remote na inspeksyon sa tirahan, sa pamamagitan ng telepono, upang maipagpatuloy ang pagpoproseso ng kanilang impormasyon para sa tulong pagkatapos ng Bagyong Sally. Maaari ring makipag-ugnay ang FEMA sa mga nakaligtas sa sakuna upang makakuha ng higit pang impormasyon para sa kanilang aplikasyon. Kung mayroong mga pagbabago sa iyong numero ng telepono, kasalukuyang address, impormasyon ng bangko o insurance, dapat mong ipaalam sa FEMA o kung hindi ay hindi mo matatanggap ang mahahalagang tawag o pakikipag-ugnayan. Maaari mong i-update ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa ilang paraan: * Pumunta online sa DisasterAssistance.gov. [http://www.disasterassistance.gov/] * I-download ang app ng FEMA [https://www.fema.gov/mobile-app] para sa mga smartphone. * TUMAWAG SA 800-621-3362 (TTY 800-462-7585). Mayroong mga operator para sa iba’t ibang wika. Ang mga walang bayad na pagtawag ay bukas mula 7 a.m. hanggang 10 p.m. lokal na oras, ng pitong araw sa isang linggo. Ang mga gumagamit ng relay na serbisyo gaya ng videophone, InnoCaption o CapTel ay dapat bigyan ang FEMA ng kanilang partikular na numero ng telepono na itinalaga sa serbisyong iyon. ANG ITINAKDANG HULING ARAW NG PAGPAPAREHISTRO SA FEMA AY SA DISYEMBRE 1, 2020. Kapag tumatawag sa mga aplikante, ang mga espesyalista ng FEMA ay magkakaroon ng numero ng pagkakakilanlan ng FEMA< numero ng telepono at address ng nasirang ari-arian ng aplikante. Hindi sila manghihingi ng pera; walang singil para mag-apply para sa tulong ng FEMA. Kung para sa iyo ay kahina-hinala ang tumatawag, tumawag sa Helpline ng FEMA sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) upang maberipika kung sinusubukan kang tawagan ng FEMA. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa pagbangon sa Bagyong Sally sa Florida, bumisita sa webpage hinggil sa sakuna ng FEMA sa https://www.fema.gov/disaster/4564 o sa webpage ng Florida Division of Emergency Management Dibisyon sa Pamamahala sa Emerhensiya sa Florida) sa https://www.floridadisaster.org/info/.