MGA PROGRAMA NG FEMA, TUMUTULONG SA MGA TAO SA BUONG BANSA [https://www.fema.gov/tl/news-release/20200727/fema-programs-helping-people-coast-coast] Release Date: April 21, 2020 WASHINGTON – Bilang bahagi ng pagtugon ng buong America sa pandemya ng COVID-19, kumikilos ang FEMA para tulungan ang mga survivor ng kalamidad, mga walang tirahan, at pang-estado, lokal, tribal, at teritoryal na pamahalaan sa buong bansa. “Sa unang pagkakataon sa kasaysayan ng ating bansa, mayroon tayong malalaking deklarasyon sa bawat estado, limang teritoryo, at sa District of Columbia,” ani Administrador ng FEMA na si Pete Gaynor. “Ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya para bawasan ang epekto ng COVID-19 at protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng lahat ng American.” SUPORTA PARA SA MGA LOKAL, PANG-ESTADO, TRIBAL, AT TERITORYAL NA PAMAHALAAN Kamakailang inanunsyo ng FEMA ang pagiging available ng $100 milyon bilang karagdagang pondo para sa Programang Grant para sa Performance ng Pang-emergency na Pamamahala. Gagamitin ang perang ito para tulungan ang mga pang-estado, lokal, tribal, at teritoryal na pamahalaan sa kanilang mga aktibidad para sa pang-emergency na pamamahala at pampublikong kalusugan na sumusuporta sa pagpigil, paghahanda para sa, at pagtugon sa kasalukuyang emergency sa pampublikong kalusugan dulot ng COVID-19. Available ang pondo sa lahat ng 50 estado, limang teritoryo, at sa District of Columbia bilang bahagi ng Coronavirus Aid, Relief, and Economic Security (CARES) Act. Dapat isumite ang lahat ng aplikasyon bago sumapit ang Abril 28. PAGRE-REIMBURSE PARA SA NON-CONGREGATE SHELTERING Nagbibigay ang New York at California ng mga kuwarto sa hotel sa mga indibidwal na walang tirahan na nalantad o nagpositibo sa COVID-19 at sa mga taong mataas ang tsansang magkaroon ng virus. Hindi kinakailangang maospital ng mga indibidwal na ito, pero kailangan nila ng tulong para manatili silang malusog at mapigilan ang pagkalat ang COVID-19.  Dagdag pa rito, sa estado ng New York, may iniaalok na pansamantalang tirahan sa mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan na posibleng nalantad sa COVID-19 at ayaw umuwi sa bahay dulot ng takot na mahawahan ang kanilang mga kapamilya. Para protektahan ang pampublikong kalusugan, ire-reimburse ng programa ng Pampublikong Tulong ng FEMA ang 75 porsyento ng hanggang sa 30 araw na mga kwalipikadong gastos para sa mga kuwarto sa hotel. Kung magpapatuloy ang pangangailangan, puwedeng humiling ng extension ang mga estadong ito. Posibleng available ang tulong na ito sa mga pang-estado, lokal, tribal, at teritoryal na pamahalaan na humiling at tumanggap ng pag-apruba mula sa FEMA. PAGPOPONDO SA PAMAMAHAGI NG PAGKAIN Alam ng FEMA na posibleng may mga lugar kung saan kailangan ng mga pang-estado, lokal, tribal, at teritoryal na pamahalaan na magbigay ng pagkain para matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga taong walang access sa pagkain dahil sa COVID-19 at naglabas ang FEMA ng patakarang tumutukoy sa mga kwalipikadong trabaho at gastos para sa pagbili at pamamahagi ng pagkain. Puwedeng pumasok ang mga pang-estado, lokal, tribal, at teritoryal na pamahalaan sa mga pormal na kasunduan o kontrata kasama ng mga pribadong organisasyon, kabilang ang mga pribadong nonprofit na organisasyon, gaya ng mga food bank, para bumili at mamahagi ng pagkain kapag kinakailangan bilang pang-emergency at pamproteksyong sukatan bilang tugon sa pandemya ng COVID-19. Ibinibigay ang pondo para sa Pampublikong Tulong sa legal na responsableng ahensya ng pamahalaan, na siya namang magre-reimburse sa organisasyon para sa mga serbisyong napapailalim sa kasunduan o kontrata. Ire-reimburse ng programa ng Pampublikong Tulong ang 75 porsyento ng gastos ng pagbili, pagbabalot, paghahanda, at pagpapadala ng pagkain sa mga distribution point o indibidwal, kapag kailangan. Gagamitin ang pondong ito para hindi buong i-reimburse ang estado ng California para sa paghahatid nito ng pagkain tatlong beses sa isang araw sa mga senior citizen na nangangailangan ng tulong sa pagkain at hindi kalahok sa iba pang programa ng seguridad sa pagkain. Nagpadala rin ang FEMA ng $3 milyong halaga ng mga supply ng sanggol kasama ang 8,200 lalagyan ng formula, 23,260 package ng mga diaper at 53,167 package ng mga diaper wipe sa mga pamilyang nakakaranas ng kahirapan para tulungan silang alagaan ang kanilang mga anak. TULONG SA MGA SURVIVOR NG KALAMIDAD Sinususpinde ng FEMA ang pagbabayad ng renta para sa buwan ng Abril, Mayo at Hunyo para sa mga survivor ng kalamidad na naninirahan sa mga pansamantalang unit ng pabahay na binili ng FEMA. Inaprubahan ang pansamantalang pagsususpindeng ito para bawasan ang pasanin sa pananalaping dulot ng pandemya ng COVID-19 sa mga survivor ng kalamidad na naninirahan sa mga pansamantalang unit ng pabahay na binili ng FEMA dahil sa mga kalamidad na nangayri sa California, Florida, North Carolina, at Texas. Pinalawig din ng FEMA ang tulong sa pananalapi ng karagdagang 90 araw para sa mga survivor ng Hurricane Michael sa Florida na patuloy na nakakatanggap ng tulong sa pangungupahan mula sa FEMA para tulungan sila sa kanilang patuloy na pagbangon. EXTENSION NG MGA PANAHON NG PAGRE-RENEW NG POLISIYA SA INSURANCE SA BAHA Pinalawig ng National Flood Insurance Program ng FEMA ang palugit para i-renew ang mga polisiya sa insurance sa baha sa 120 araw mula 30 araw para matulungan ang mga customer na posibleng nakakaranas ng suliranin sa pananalapi. Nalalapat ang extension na ito sa 1.5 milyong polisiya sa insurance sa baha na may pesta ng pagwawakas sa pagitan ng Peb. 13 at Hunyo 15, 2020. MGA PANG-EMERGENCY NA GRANT SA PAGKAIN AT TIRAHAN Nakatanggap ang Emergency Food and Shelter Program (EFSP) ng FEMA ng karagdagang $200 milyon bilang pandagdag na pondo mula sa Coronavirus Aid, Relief and Economic Security (CARES) Act. Ipapamahagi ang perang ito sa mga lokal na organisasyon ng serbisyong panlipunan na nagbibigay ng mga hindi emergency na tulong sa mga taong nangangailangan. Puwedeng magamit ang mga pondo ng EFSP sa iba’t ibang serbisyo, kabilang ang bultuhang shelter, bultuhang pagpapakain, mga food pantry at food bank, bayarin sa utility at bayad sa renta/sangla para mapigilan ang mga pagkakaremata o pagpapaalis, at tulong sa paglipat sa matatatag na kundisyon sa buhay mula sa mga shelter. Ang karagdagang $200 milyon mula sa CARES Act ay hiwalay sa $120 milyong alokasyon para sa piskal na taong 2019 na ibinigay sa EFSP sa taunang pagpopondo. Inaasahang ipapamahagi sa mga lokal na ahensya ang perang mula sa karagdagan at taunang pondo sa Hunyo 2020. # # #