PAGLALAPAT SA DEFENSE PRODUCTION ACT [https://www.fema.gov/tl/news-release/20200725/guofangshengchanfanoshiyongnitsuite] Release Date: April 14, 2020 WASHINGTON - Isang pandaigdigang isyu ang kakulangan ng mga medikal na resource sa laban kontra COVID-19. Tulad ng ibang bansa, nakikipagkumpitensya ang United States para sa mga parehong resource. Para i-maximize ang pagiging available ng mahahalagang pamproteksyon, at pansagip-buhay na resource sa mga front line na manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan, nagpapatupad ang FEMA at Department of Health and Human Services (HHS) ng paraang may apat na bahagi [https://www.fema.gov/news-release/2020/04/08/fema-covid-19-supply-chain-task-force-supply-chain-stabilization]para mabilis na maparami ang supply ngayon at mapalawak ang lokal na produksyon ng mga medikal na supply at gamit para maparami ang supply nang pangmatagalan. Kasama sa paraan ang Pagpreserba, Pagpapabilis, Pagpapalawak at Alokasyon. Nagbibigay ang Defense Production Act (DPA) ng mga awtoridad na inilalapat para suportahan ang mga pagsusumikap para sa Pagpapabilis at Pagpapalawak.  Hindi gumagawa ang mga binibigyang-priyoridad na utos ng DPA ng sitwasyon na “pag-outbid;” bagkus, binibigyang-priyoridad nito ang kinakailangan ng pederal na pamahalaan upang maisakatuparan bago ang iba pang utos. Habang pinoproseso namin ang mga order sa supply chain, patuloy kaming nakikipag-ugnayan sa mga gobernador para matukoy namin ang mga potensyal na problema sa bidding. Inaasahan namin ang mga gobernador at pinuno ng tribo na sabihin sa amin ang mga partikular na impormasyon kaugnay ng nakikitang problema sa bidding. Kung magkakaproblema sa bidding, makikipagtulungan kami sa estado o tribo para maayos ito sa paraang naaayon sa kanilang mga pangangailangan. PAANO NAKAKATULONG SA LABAN KONTRA COVID-19 ANG MGA AWTORIDAD NG DEFENSE PRODUCTION ACT Para matugunan ang kakulangan ng mahahalagang medikal na supply para sa laban kontra COVID-19, gumagamit ang White House COVID-19 Task Force ng mga awtoridad na ginawang available sa DPA.  Binibigyan ng DPA ang Pangulo ng awtoridad na makipagtulungan sa pribadong sektor para bigyang-priyoridad ang mga kontrata ng pederal na pamahalaan at para mamahagi ng mga materyales para tulungan ang pambansang depensa, kabilang ang mga aktibidad ng pang-emergency na tugon at kahandaan. Sa mga kamakailang Executive Order at karagdagang pahayag ng Pangulo, iniutos sa Mga Sekretarya ng Department of Health and Human Services at Homeland Security na gamitin ang mga awtoridad ng DPA na atasan ang ilang kumpanya na tumanggap, magsagawa, at bigyang-priyoridad ang mga pederal na kontrata para sa mga ventilator at personal na kagamitang pamproteksyon (personal protective equipment). Binibigyan ng awtoridad na ito ang HHS at FEMA ng kakayahang bigyang-priyoridad ang mga kontrata, mamahagi ng mga limitadong supply, dagdagan ang produksyon ng mahahalagang supply, at pumasok sa mga boluntaryong kasunduan kasama ng mga partner sa industriya. Puwedeng gamitin ng Mga Kagawang ito ang mga awtoridad ng DPA na atasan ang mga vendor sa pribadong sektor na bigyang-priyoridad ang pagsasakatuparan at paghahatid sa mga pederal na order ng mahahalagang item habang nasa emergency, kahit na kailanganin nilang iantala o kanselahin ang mga kontrata nila sa ibang customer. Makakapaglabas din sila ng mga kautusan ng DPA sa alokasyon para matiyak na isinasagawa ang produksyon at pamamahagi ng mahahalagang resource alinsunod sa mga patakaran ng Pamahalaan ng U.S.  May tatlong uri ng kautusan sa alokasyon na puwedeng gamitin para sa pagtugon sa COVID-19: * Inaatasan ng Pagtatabi ang isang kumpanya na magreserba ng mga resource bilang paghahanda sa pagtanggap ng binibigyang-priyoridad na order. * Inaatasan ng Direktiba ang isang kumpanya na gumawa o iwasang gumawa ng ilang partikular na pagkilos para mapanatili ang produksyon ng isang item. * Inaatasan ng Distribusyon ang isang kumpanya na tukuyin ang maximum na dami ng mga materyales, serbisyo, o pasilidad na binigyan ng awtoridad para sa isang partikular na paggamit. Pinapayagan din ng DPA ang ilang uri ng insentibo sa pananalapi na puwedeng gamitin para makatulong sa pagtugon sa COVID-19: * Makakapanghikayat ang pamahalaan na pataasin ang produksyon sa pamamagitan ng mga pagtuon sa pagbili at makakapagbenta ang mga producer ng imbentaryo sa sinumang bibili. * Puwedeng payagan ng pamahalaan ang mga pribadong negosyong gamitin ang mga kagamitang pag-aari ng pamahalaan. * Puwedeng magbigay ang pamahalaan ng mga garantisadong pautang, na nangangailangan ng karagdagang pagsasabatas sa Kamara. Gamit ang mga awtoridad ng DPA, makakapasok ang pribadong industriya at iba pang stakeholder sa kasunduan kasama ng pederal na pamahalaan at sa bawat isa na maaaring hindi nasasailalim sa mga batas sa antitrust. Ang mga kasunduang ito na tumulong at sumuporta sa mga pagkilos na pagtugon sa COVID-19 ay nagbibigay-daan sa mga kumpanya na palawakin ang produksyon ng PPE at makipagtulungan sa panggagamot at pag-quarantine habang nasa pandemya ng COVID. MGA HALIMBAWA NG PAGGAMIT NG AWTORIDAD NG DPA SA PAGTUGON SA COVID-19 Sa pamamagitan ng pagre-rate sa mga kontrata na nasa ilalim ng DPA, tinutulungan ng HHS ang mga manufacturer tulad ng General Motors (GM) na makuha ang mga supply na kailangan ng mga ito para gumawa ng mga ventilator nang mabilis hangga’t posible, habang tinitiyak na dadalhin ang mga ventilator na ito sa Strategic National Stockpile para madala sa mga lugar kung saan pinakakailangan ang mga ito. * Noong Abril 13, inanunsyo ng HHS ang limang bagong kontrata [https://www.hhs.gov/about/news/2020/04/13/hhs-announces-new-ventilator-contracts-orders-now-totaling-over-130000-ventilators.html] para sa produksyon ng ventilator na naka-rate sa ilalim ng DPA sa General Electric, Hill-Rom, Medtronic, ResMed, at Vyaire. * Naglabas ang HHS ng kontrata sa Philips [https://www.hhs.gov/about/news/2020/04/08/hhs-announces-ventilator-contract-with-philips-under-defense-production-act.html]para sa pagpapadala ng 2,500 ventilator sa Strategic National Stockpile sa katapusan ng Mayo 2020 at kabuuang 43,000 ventilator na ipapadala sa katapusan ng Disyembre 2020. * Naglabas ang HHS ng kontrata sa GM [https://www.hhs.gov/about/news/2020/04/08/hhs-announces-ventilator-contract-with-gm-under-defense-production-act.html]para sa 30,000 ventilator na ipapadala sa Strategic National Stockpile sa katapusan ng Agosto, na may iskedyul ng produksyon na nagbibigay-daan sa pagpapadala ng 6,132 ventilator bago sumapit ang Hunyo 1. * Ang pitong bagong kontrata para sa ventilator na naka-rate sa ilalim ng DPA na inanunsyo ng HHS ngayong buwan ay magbibigay ng kabuuang 137,431 ventilator sa katapusan ng 2020. * Naglabas ang FEMA ng order ng produksyong pinayagan ng DPA sa 3M para sa 10 milyong N95 respirator.  Dumating ang unang pagpapadala ng order na ito kahapon, Abril 12, at may kasamang humigit-kumulang 600,000 mask.  Nilalayon naming gamitin ang bagong source ng mga N95 na ito na punan ang mga pang-estadong kahilingan ng FEMA para sa suporta at para dagdagan ang mga karaniwang pagkuha sa supply chain. Noong Biyernes, Abril 3, naglabas si Pangulong Trump ng “Memorandum sa Pamamahagi ng Mga Partikular na Kulang o Nanganganib na Maubos na Pangkalusugan at Medikal na Resource para sa Domestikong Paggamit [https://www.whitehouse.gov/presidential-actions/memorandum-allocating-certain-scarce-threatened-health-medical-resources-domestic-use/],” na nag-uutos sa Department of Homeland Security (DHS), FEMA, na may payo ng HHS, na gamitin ang DPA para panatilihin ang mga kulang na medikal na resource sa loob ng United States para sa domestikong paggamit. Kasama sa Personal na Kagamitang Pamproteksyon (PPE) na napapailalim sa patakarang ito ang: Mga N95 respirator, at ilang uri ng iba pang filtering respirator; air-purifying respirator; surgical mask; at, surgical glove. Nagtutulungan ang FEMA at ang Customs Border Protection (CBP) [https://www.fema.gov/news-release/2020/04/08/fema-cbp-joint-statement-defense-production-act-ppe] para pigilan ang mga lokal na broker, tagapamahagi, at iba pang namamagitan paglilihis sa mahahalagang medikal na resource na ito sa ibang bansa. Para magawa ito, pipigilan ng CBP ang mga pagpapadala ng PPE na tinukoy sa Memorandum ng Pangulo habang pagpapasyahan naman ng FEMA kung ibabalik ang PPE para gamitin sa United States, bibilhin ang PPE sa ngalan ng United States, o papayagan itong i-export. PAGLILINAW NA HINDI NAPAPAILALIM SA DPA ANG PROJECT AIRBRIDGE Sa isang hiwalay na pagsusumikap para makatulong na makakuha ng mahahalagang medikal na resource sa lokal na supply chain, nakipag-ugnayan ang FEMA sa mga kumpanya sa pribadong sektor at tumutulong itong makakuha ng mga pagpapadala mula sa mga manufacturer sa ibang bansa.  Nagtatag ang FEMA ng airbridge [https://www.fema.gov/news-release/2020/04/08/fema-covid-19-supply-chain-task-force-supply-chain-stabilization] para mas mabilis na matanggap ng mga tagapamahagi ng medikal na supply sa U.S. ang kanilang PPE at iba pang mahalagang supply papasok ng bansa para sa kani-kanilang mga customer. Hindi ipinatupad ang airbridge na ito sa ilalim ng mga awtoridad ng DPA.   # # #