MGA LUNSURAN NG PAGKAKASAULI PALALAKARIN BILANG SBA LUNSURAN NG HANDOG PAUTANG [https://www.fema.gov/tl/news-release/20200220-21] Release Date: Mayo 29, 2019 ANCHORAGE, Alaska – Sa katapusan ng rehistrasyon para sa pederal na tulong sa sakuna sa Mayo 31, ang mga lunsuran ng pagkakasauli sa sakuna ng FEMA ay uumpisahang palakarin bilang mga lunsuran ng handog pautang para sa U.S. Small Business Administration (Kapisanan ng Maliliit na Negosyo ng Estados Unidos.)   May isang lunsuran ng pagkakasauli sa Wasilla na ginawa nang lunsuran ng handog pautang noong Mayo 16.   Sa Hunyo 3, dalawa pang lunsuran ng handog pautang ay mag-uumpisang magbigay-serbisyo sa mga naapektuhan ng Nob. 30 lindol. Ang oras ng operasyon ay 9 n.u. hanggang 6 n.g. Lunes hanggang Biyernes sa: * * Spenard Community Recreation Center, 2020 West 48th Ave., West Conference Room, Anchorage, AK 99517 * Community Covenant Church, 16123 Artillery Rd., Eagle River, AK 99577 * Christ First United Methodist Church, 2635 S. Old Knik Rd., Wasilla, AK 99654   Ang SBA ay nagbibigay ng mababang-interes, pangmatagalang pautang sa sakuna para sa mga negosyong iba’t iba ang laki, pribadong walang-tubong organisasyon, mga may-ari ng bahay at umuupa para mapaayos o mapalitan ang walang seguro/kulang sa segurong ari-ariang nasira ng sakuna. Maaaring makausap ang mga kawani ng serbisyong pantao (customer service representatives) sa mga lunsuran para sumagot ng inyong mga tanong, para ipaliwanag ang programa ng pautang pangsakuna at tapusin ang inaprubang pautang pangsakuna. Ang SBA ay naghahandog din ng pautang para sa deductible sa seguro (halagang kailangang bayarin bago makuha ang pera mula sa seguro) at habang hinihintay pa ang claim sa seguro (hiling sa kompanya ng seguro para makakuha ng tulong.)   Ang bawat indibidwal ay may hanggang Mayo 31 para makarehistro para sa pederal na tulong pangsakuna at maibalik ang mga SBA na kahilingan sa pautang para sa nasirang ari-arian. Ang huling araw para magsumite ang mga negosyo ng aplikasyon sa pautang dahil sa pinsalang pagkawalan ng pangkabuhayan (economic injury) ay Nob. 1.   Ang mga aplikante ay maaaring gumamit ng elektronikong aplikasyon para sa pautang sa pamamagitan ng ligtas na website ng SBA sa disasterloan.sba.gov/ela [https://disasterloan.sba.gov/ela], o tumawag sa tanggapan ng pagbibigay tulong (customer service center) ng SBA sa 800-659-2955. Ang gumagamit ng TTY ay makakatawag sa 800-877-8339.