PORTAL NG MGA MAPAGKUKUNAN PARA SA PAGBANGON MULA SA BAGYONG MICHAEL [https://www.fema.gov/tl/press-release/20210317/fact-sheet-hurricane-michael-recovery-resources-portal] Release Date: February 4, 2019 Ang Hurricane Michael Recovery Resources Portal ay nagbibigay ng online na pamamaraang makakuha ng impormasyong maaaring makakatulong sa mga lokal na gobyerno, mga organisasyong hindi pangkalakalan, ang pribadong sektor at ang mga mapagkawanggawang mga komunidad sa Florida na makahanap ng mga mapagkukunan para sa pagbangon mula sa bagyo.   Ang portal ay nilinang ng grupong Integrated Recovery Coordination (IRC) ng FEMA, na siyang nagkokoordina ng pampederal na suporta sa Estado ng Florida at ang mga komunidad sa Panhandle. Ang mahalagang papel para sa IRC ay ang pagkilala sa pampinansyal at iba pang mga mapagkukunan upang masagot ang mga pangangailangan na hindi masagot ng FEMA, estado at iba pang mga programa.   Habang itinatrabaho ng mga programa ng FEMA ang pagbayad sa mga komunidad para sa mga karapat-dapat na mga gastusin sa pagsagot at pagbangon, kadalasan ay may mga puwang sa pagitan ng mga pangkalahatang gastusin at anumang ligal na maaaring bayaran ng FEMA. Ang mapagkawanggawang portal ay isang instrumentong ginagamit ng IRC upang tumulong na pagdugtungin ang mga organisasyong pang-komunidad sa mga potensyal na mga mapagkukunan, kasali na ang mga pamigay at mga teknikal na tulong sa lugar ng pabahay, pang-ekonomiya, mga natural at kultural na mga pag-aaring yaman at iba pang mga aspeto ng pagbangon ng komunidad.   Ang portal ay maaaaring mapuntahan sa:  https://fema.connectsolutions.com/dr4399fl/. Ang mga gumagamit ay mag-sa-sign in bilang “Guest,” o bisita, pagkatapos ay sundin ang mga tagubilin sa webpage.   ###