LOS ANGELES – Kung naapektuhan ka ng mga wildfire sa Los Angeles County, maaari kang maging kuwalipikado para sa tulong pinansyal ng FEMA. Pagkatapos mag-file ng claim sa iyong insurance company, puwede kang mag-apply para sa FEMA sa pamamagitan ng telepono sa 800-621-3362 o sa pagpunta sa DisasterAssistance.gov. Kung kailangan mo ng karagdagang suporta o gusto mo ng tulong sa pag-upload ng mga dokumento, dapat kang pumunta sa Disaster Recovery Center (DRC) upang mag-apply para sa tulong at matuto tungkol sa mga resource mula sa FEMA at iba pang mga organisasyon ng estado upang tulungan ka sa iyong pagbangon.
Ano ang DRC?
Ang DRC ay isang accessible facility na puwede mong personal na puntahan upang matuto pa tungkol sa FEMA at iba pang ahensyang nagbibigay ng tulong sa sakuna sa County ng Los Angeles. Ang mga residente, may-ari ng property, may-ari ng negosyo, at magsasaka ay puwedeng pumunta sa isang DRC upang mag-apply para sa tulong at makakuha ng mga resource.
Makakaasa ka sa isahang suporta mula sa staff ng FEMA na malugod kang paglalaanan ng oras upang ipaliwanag ang iba't ibang uri ng tulong na inaalok.
Puwedeng makatulong ang mga specialist sa DRC sa iyo na:
- Mag-apply para sa mga disaster grant mula sa FEMA.
- Magpasa ng mga karagdagang dokumento para sa iyong aplikasyon.
- Umuwa at tumugon sa isang sulat mula sa FEMA.
- Matutunan kung paano palitan ang mga nasirang dokumento tulad ng patunay ng address o katibayan ng pagsilang.
- Makipag-ugnay sa mga resource ng estado.
Sino ang nasa DRC?
Medyo magkakaiba ang bawat DRC, batay sa mga pangangailangan ng lokal na komunidad. Lahat ng DRC ay may staff ng FEMA, na sinanay sa programang Indibidwal na Tulong, na handang sagutin ang mga tanong tungkol sa proseso ng aplikasyon ng tulong sa sakuna ng FEMA. Maaaring may mga kinatawan ang mga DRC na mula sa lokal, estado, pederal, at mga organisasyong pangkomunidad. Accessible ang mga ito para sa lahat, kabilang ang mga taong may kapansanan at ang mga may pangangailangan sa access at function.
Ano ang dapat kong dalhin?
Wala kang kailangang dalhin sa pagpunta sa isang DRC — ikaw lang. Gayunpaman, depende sa tulong na iyong hinahanap, baka makatulong na maghanda nang maaga.
Pag-apply para sa Tulong: Kung magsisimula o magpapatuloy ka ng isang aplikasyon para sa tulong, dapat mong dalhin ang mga sumusunod:
- Impormasyon ng insurance, kung available.
- Ang address at zip code ng iyong tahanang napinsala ng sakuna.
- Kondisyon ng iyong nasirang tahanan.
- Numero ng Social Security.
- Numero ng telepono, address, at email (kung mayroon ka) kung saan puwede kang kontakin.
- Impormasyon ng bank account, kung gusto mong mag-set up ng direct deposit.
Para sa halimbawa ng mga dokumentong ito at mas detalyadong checklist ng aplikasyon, tingnan ang checklist ng aplikasyon sa DisasterAssistance.gov.
Ano ang dapat kong asahan?
Accessible sa lahat ang mga DRC, kabilang ang mga nakaligtas na Bingi at Hirap Makarinig. Magkakaiba ang pagkakabuo sa bawat DRC upang mas mahusay na magamit ang lugar.
Palaging may mga karatula sa harapan ang mga DRC, na nagsasaad kung saan papasok. Sa sandaling lumakad ka sa mga pintuan sa harapan, sasalubungin ka, at ikaw ay magpapatala. Ang lahat ng DRC ay may security sa pasukan. Maaaring kailanganin mong maghintay nang ilang sandali upang maging available ang specialist na kailangan mo. Kung gayon, puwede kang umupo sa mga itinalagang upuan o isang waiting area. Kadalasan, hindi mo na kailangang maghintay at tutulungan ka kaagad. Sa sandaling may specialist na, personal silang makikipagtulungan sa iyo upang tumulong na sagutin ang iyong mga tanong, tulungan kang magparehistro para sa tulong o maunawaan ang iyong mga dokumento, iugnay ka sa mga available na resource, at iba pa.
Saan ako makakahanap ng DRC na malapit sa akin?
Simula Enero 14, may dalawang DRC na bukas sa County ng Los Angeles. Patuloy na magbubukas ng mga bagong DRC sa mga darating na linggo. Upang makahanap ng DRC na malapit sa iyo, kasama ang mga address at oras, pumunta sa FEMA.gov/drc. Ang deadline sa pag-aapply para sa tulong ay sa Marso 10, 2025.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng California, pumunta sa fema.gov/disaster/4856. I-follow ang FEMA Region 9 @FEMARegion9 sa X o i-follow ang FEMA sa social media sa: FEMA Blog sa fema.gov, @FEMA o @FEMAEspanol sa X, FEMA o FEMA Espanol sa Facebook, @FEMA sa Instagram, at sa FEMA YouTube channel. I-follow din si Administrator Deanne Criswell sa Twitter @FEMA_Deanne.
Nakatuon ang California sa pagsuporta sa mga residenteng naapektuhan ng Los Angeles Hurricane-Force Firestorm habang nasa proseso sila ng pagbangon. Pumunta sa CA.gov/LAFires para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga disaster recovery program, mahahalagang deadline, at kung paano mag-apply para sa tulong.