Magbabago ang Oras ng Sentro ng Pagbawi ng Sakuna

Release Date Release Number
008
Release Date:
Marso 25, 2024

San Diego, California. - Inihayag ng Pang-Emerhensyang Serbisyo ng Opisina ng Gobernador ng California, FEMA, at iba pang mga pang-estado at panlokal na kasangga ang pagbabago ng oras ng pagpapatakbo para sa mga sentro ng pagbawi sa sakuna (DRC) ng San Diego County. Simula Linggo, Marso 31, 2024, hindi na magbubukas ang mga DRC tuwing Linggo at Lunes.

Mga Sentro ng Pagbawi ng Sakuna

Ang mga nakaligtas ay maaari pa ring makipagkita sa FEMA at mga espesyalista mula sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa mga sumusunod na DRC tuwing Martes hanggang Sabado:

Sentro ng Komunidad ng Mountain View
641 Kalye ng Timog Hangganan
San Diego, CA 92113

Aklatan ng Spring Valley
836 Kalye Kempton
Spring Valley, CA 91977

Ang parehong sentro ay bukas mula 10 n.u. hanggang 7 n.g. sa Oras ng Pasipiko, Martes - Sabado.

Ang mga residente sa San Diego County na nakaranas ng pinsala mula sa matinding bagyo at pagbaha noong Enero 21-23, 2024 ay maaaring mag-apply online sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang mobile app ng FEMA o tumawag sa 800-621-3362, 7 n.u. hanggang 10 n.g. sa Oras ng Pasipiko. Nakahanda ang mga multilinggwal na operator kapag magpaparehistro para sa tulong gamit ang telepono. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng relay sa bidyo (VRS), naka-caption na telepono o iba pang serbisyo, ibigay mo sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Para sa mga taong Bingi o Mahina ang Pandinig (DHH) at ang American Sign Language o Wikang Pasenyas ng Amerika (ASL) ang iyong pangunahing o gustong wika, gamitin ang iyong aparato na pinapagana ng teleponong may bidyo upang tumawag sa 1-800-985-5990 o i-click ang “ASL Now” upang makakonekta sa isang kawani sa krisis ng DDH na mahusay sa ASL.

###

Ang misyon ng FEMA ay ang pagtulong sa mga tao bago, habang, at pagkatapos ng sakuna.

Ang lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ibibigay nang walang diskriminasyon sa batayan ng lahi, kulay, kasarian (kabilang ang sekswal na panliligalig), oryentasyong sekswal, relihiyon, pambansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan.

Ang mga Sentro ng Pagbawi ng Disaster ay mga protektadong lugar na itinalaga upang magbigay ng emerhensyang pagtugon at tulong para sa mga nakaligtas sa sakuna. Ang US Immigration and Customs Enforcement o Pagpapatupad ng Imigrasyon at Adwana at US Customs and Border Protection o Proteksyon ng Adwana at Hangganan ay hindi nagsasagawa ng mga operasyon ng pagpapatupad sa o malapit sa mga lokasyon na ito, maliban sa limitadong pangyayari tulad ng napipintong panganib ng kamatayan, karahasan, o pisikal na pananakit. Bukod pa rito, hindi aktibong ibabahagi ng FEMA ang personal na impormasyon ng mga nakaligtas sa baha sa mga ahensya ng imigrasyon o pagpapatupad ng batas.

Kung naniniwala kang nilabag ang iyong mga karapatang sibil, maaari kang tumawag sa linya ng Mapagkukunan ng Karapatang Sibil sa 833-285-7448 (TTY 800-462-7585). Ang mga gumagamit ng isang serbisyo ng relay tulad ng isang teleponong may bidyo, InnoCaption o CapTel ay dapat i-update ang FEMA gamit ang kanilang partikular na numero na itinalaga sa serbisyong iyon. Nakahanda ang mga multilinggwal na operator (pindutin ang 2 para sa Espanyol).

 

Tags:
Huling na-update