Dahil sa natatanging lokasyon at malawak na baybayin, ang estado ng Florida ay madalas na naapektuhan ng mga bagyo. Habang nagsisimula ang katatagan sa bahay, lubos na hinihikayat ng FEMA ang mga may-ari ng bahay sa Florida na gumawa ng mga hakbang sa pagpapagaan ngayon upang ihanda ka at ang iyong pamilya laban sa mga potensyal na sakuna.
Bakit mo dapat isaalang-alang ang paggawa ng mga hakbang sa pagpapagaan?
Ang paggawa ng mga hakbang sa pagpapagaan ay maaaring:
- Magbawas ng iyong mga pagkalugi mula sa likas na sakuna sa hinaharap.
- Magdagdag ng kakayahan ng iyong tahanan na tumagal laban sa matinding panahon, bagyo, pagbaha, hangin o iba pang mga likas na panganib na kaganapan.
- Magbawas ng gastos ng iyong may-ari ng bahay sa mga premium ng seguro sa baha.
- Magdagdag ng halaga ng iyong ari-arian.
Paano mo mapoprotektahan ang iyong tahanan laban sa mga bagyo sa hinaharap?
- Maaari kang gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang iyong tahanan laban sa mga sakuna sa hinaharap, kabilang ang mga bagyo, hangin, pagbaha at pagtaas ng bagyo. Maaari mong:
- Itaas o gawing matibay laban sa pagbaha ang kasangkapang pang-init, bentilasyon at air-con, at/o mga mekanikal na yunit, sistema ng maliliit na tubo, mga de-koryenteng sistema at iba pang mga kagamitan para sa utility.
- Ikabit ang mga shutter (panangga) na pang-bagyo upang maprotektahan ang mga bintana at pintuan na de-salamin.
- Patibayin ang garahe at dobleng pintuan upang maiwasan ang kabiguan sa ilalim ng presyon ng hangin.
- Gawing mas mataas ang iyong tahanan.
- Una, makipag-ugnayan sa iyong lokal na tagapamahala ng floodplain upang talakayin ang kinakailangang taas upang gawing mas mataas ang iyong istraktura.
- Ang mga lokal na pinagtibay na regulasyon sa Pamamahala ng Floodplain ay maaaring mangailangan ng mga istraktura sa Special Floodplain Hazard Areas (natatanging mapanganib na lugar ng floodplain) na itaas kaysa sa Base Floodplain Elevation (BFE o batayan sa pag-angat ng floodplain) na ipinahiwatig sa FEMA Flood Insurance Rate Maps (FIRMS o Mga mapa ng presyo ng seguro sa baha).
- Maaaring mabawasan ng pag-angat ng iyong bahay ang iyong mga premium sa seguro sa baha, pati na rin ang pagbawas sa panganib mula sa bagyo sa hinaharap.
- Para sa tulong sa paghahanap at pag-unawa sa iyong pagtaas ng baha, mangyaring ipadala ang iyong email sa FEMA-FMIX@fema.dhs.gov o tumawag sa 877-336-2627.
- Magkabit ng mga palabasan ng baha sa mga dingding ng pundasyon, garahe at iba pang nakapaloob na lugar
- Gumamit ng mga materyales na lumalaban sa baha sa mga lugar ng iyong tahanan sa ibaba ng BFE. Halimbawa, palitan ang alpombra ng mga baldosa o gumamit ng pagkakabukod na lumalaban sa baha at gipsum wallboard (Sheetrock).
- Iangkla ang anumang mga tangke ng gasolina sa sahig. Tiyakin na ang mga butas at mga bukasan ng linya ng pagpuno ay nasa itaas ng BFE. (Maaaring mangangailangan ito ng pag-apruba mula sa iyong tagapagbigay ng gasolina.) Ang mga tangke ng gasolina ay maaaring matumba o lumutang, na maaaring maglabas ng mga gasolina sa anyo ng likido o gas na lilikha ng sunog o mapanganib na pagsabog
- Maglagay ng balbula pang-backflow sa iyong sistema ng alkantarilya upang maiwasan ang pagbalik ng inyong dumi sa iyong tahanan.
- Magdagdag ng hindi tinatagusan ng tubig na veneer sa mga panlabas na pader upang maiwasan ang pinsala mula sa mababaw na pagbaha. Tapalan ang iyong mga dingding sa basement gamit ang mga timpladang pantapal na hindi tinatablan ng tubig.
Ayon sa mga espesyalista sa FEMA Mitigation (pagpapagaan), ang pangangalaga sa iyong tahanan ay hindi kailangang maging mahal. Bilang karagdagan sa pagpapatibay ng istraktura, ang mga simpleng hakbang tulad ng pruning (pagputol ng mahahababang tangkay) ng malalaking puno at palumpong na palayo mula sa iyong bahay, pagpapanatiling walang bara ang mga paagusan at alulod mula sa mga debris o basura, ay maaaring magbawas ng panganib ng pinsala sa hinaharap.
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbawi ng Florida mula sa Bagyong Idalia, bisitahin ang floridadisaster.org/updates/ at fema.gov/disaster/4734. Sundan ang FEMA sa X na dating kilala bilang Twitter sa twitter.com/femaregion4 at sa facebook.com/fema.