HONOLULU – Kung nakaligtas ka sa mga wildfire sa Maui noong Agosto 8 at nakatanggap ka ng tulong sa pag-upa ng FEMA, tiyaking makipag-ugnayan sa FEMA. Maaaring kwalipikado ka para sa patuloy na tulong sa pag-upa para sa pansamantalang pabahay sa alinmang lokasyong pinamamahalaan ng Estados Unidos.
Binabayaran ng FEMA ang upa para sa pansamantalang pabahay upang matulungan kang makabangon muli at mabawasan ng isa ang bayaring ipinag-alala. Kasama sa upa ang panseguridad na deposito para sa anumang pansamantalang pabahay maliban sa iyong tirahang napinsala ng sunog. Saklaw ng paunang kaloob ng FEMA ang iyong upa para sa unang dalawang buwan. Kapag naubos na iyon, puwede kang humingi ng karagdagang tulong sa FEMA.
Maaari kang makatanggap ng tulong sa pag-upa ng FEMA sa loob ng tatlong buwang panahon – hanggang sa maximum na 18 buwan mula sa pagdedeklara ng matinding sakuna ng pangulo o mula Pebrero. 10, 2024. Regular na makipag-ugnayan sa FEMA at ipaalam sa mga espesyalista na kailangan mo pa rin ng tulong sa pag-upa para sa iyong pansamantalang pabahay.
Upang makapagsimula, sundin lamang ang ilang simpleng hakbang:
- Makipag-ugnayan sa FEMA at humingi ng Aplikasyon para sa Patuloy na Tulong sa Pansamantalang Pabahay.
- Tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyong relay tulad ng serbisyong video relay, serbisyong teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka. Puwedeng isaayos ng mga operator ng helpline ang interpretasyon sa maraming wika.
- Maaari ka ring makatanggap ng personal na tulong mula sa mga espesyalista ng FEMA sa alinmang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center). Hanapin ang pinakamalapit sa iyo sa fema.gov/DRC.
- Kapag nakumpleto mo na ang form, maaari mo itong ihatid sa alinmang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna o ipadala ito sa FEMA, P.O. Box 10055, Hyattsville MD 20782-8055. Puwede mo rin itong i-fax sa 800-827-8112 o i-upload ito sa iyong account para sa sakuna sa DisasterAssistance.gov.
Tandaan, available ang tulong sa pag-upa kung ia-update mo ang FEMA sa iyong kasalukuyang impormasyon sa pakikipag-ugnayan at katayuan sa pabahay.
Kung hindi ka pa nag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA, hindi pa huli ang lahat. Mayroon kang hanggang 11:59 p.m. (oras ng Hawaiʻi) Huwebes, Nobyembre 9, para mag-apply. Bisitahin ang DisasterAssistance.gov, gamitin ang mobile app ng FEMA o tawagan ang Helpline ng FEMA.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bisitahin ang mauicounty.gov, mauirecovers.org at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires.