Dalawang Linggo ang Natitira upang Mag-apply para sa Tulong sa Sakuna ng FEMA

Release Date Release Number
28
Release Date:
October 27, 2023

HONOLULU – Dalawang linggo ang natitira para sa mga may-ari ng bahay at nangungupahan upang mag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA kung mayroong pinsala o mga nawala sa iyong propyedad mula sa mga wildfire sa Maui noong Agosto 8. Maaari ka ring mag-apply para sa pautang sa sakuna mula sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration), isang partner ng FEMA sa pagbangon ng Maui.

Ang deadline sa pag-apply ay Huwebes, Nobyembre 9, para sa parehong pederal na ahensya. Kinakailangan ng mga programa sa pagbangon na magparehistro ka para sa tulong sa sakuna ng FEMA bago ka maisaalang-alang para sa mga programang iyon, kaya mahalagang mag-sign up sa lalong madaling panahon.

Hinihikayat ang mga nakaligtas sa sakuna na maghain ng mga claim sa insurance para sa pinsala o mga nawala sa kanilang mga pangunahing tahanan, personal na propyedad at mga sasakyan bago mag-apply para sa tulong ng FEMA. Hindi kailangang bayaran ang mga kaloob ng FEMA at hindi binubuwisan ang tulong ng FEMA at hindi makakaapekto sa pagiging kwalipikado para sa Social Security, Medicaid o iba pang pederal na benepisyo. 

Malaki ang naging papel ng Red Cross sa Amerika sa pagtugon sa mga wildfire sa Maui. Ang Red Cross ay nagbibigay ng tulong pinansyal, pansamantalang pabahay sa mga hotel at iba pang serbisyo, kabilang ang pagtulong sa mga nakaligtas na hindi kwalipikado para sa ilang programa ng FEMA. Maaari kang mag-iskedyul ng appointment sa RedCross.org/HIhelp, makipag-usap sa isang kinatawan ng Red Cross sa isang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna o tumawag sa 800-RED-CROSS (800-733-2767).

Ang programang Tulong sa Indibidwal ng FEMA ay dinisenyo upang tulungan ka sa mga pangunahin at kritikal na pangangailangan tulad ng isang ligtas, malinis at madaling mapuntahang lugar na matitirhan. Kasama sa tulong ang tulong sa pag-upa, pagbabalik ng mga nagastos sa panunuluyan, at tulong sa pag-aayos at pagpapalit ng bahay. 

Upang mag-apply para sa tulong ng FEMA, bisitahin ang DisasterAssistance.gov, gamitin ang mobile app ng FEMA o tawagan ang Helpline ng FEMA sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng Serbisyong Video Relay, serbisyong teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag nag-apply ka. Available ang mga operator ng helpline mula 1 a.m. hanggang 8 p.m., pitong araw sa isang linggo, at nakakapagsalita sila ng maraming wika. Pindutin ang 2 para sa Spanish. Pindutin ang 3 para sa isang interpreter na nakakapagsalita ng iyong wika.

Para sa video ng American Sign Language tungkol sa kung paano mag-apply, pumunta sa https://www.youtube.com/watch?v=LU7wzRjByhI&list=PL720Kw_OojlKOhtKG7HM_0n_kEawus6FC&index=6. Maaari mo ring bisitahin ang alinmang Center ng Pagbangon mula sa Sakuna upang makakuha ng mga sagot sa iyong mga tanong. Maghanap ng center dito: Locator ng DRC (fema.gov).

Malapit na nakikipagtulungan ang FEMA sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration, na nagbibigay ng mga mababang interes na pautang sa sakuna para sa mga may-ari ng bahay, nangungupahan, nonprofit na organisasyon at negosyo.Ang ilang aplikante ay maaaring i-refer sa SBA upang mag-apply para sa pautang sa sakuna. Maaaring humiram ang mga may-ari ng bahay ng hanggang $500,000 mula sa SBA upang ayusin o palitan ang kanilang pangunahing tirahan. Maaaring humiram ng hanggang $100,000 ang mga may-ari ng bahay at nangungupahan upang ayusin o palitan ang personal na propyedad.

Para sa tulong sa sakuna ng SBA, maaari kang mag-apply online at mag-download ng mga aplikasyon sa https://www.sba.gov/hawaii-wildfires. Maaari ring makatanggap ang mga aplikante ng impormasyon sa pamamagitan ng pagtawag sa Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955 o sa pamamagitan ng pag-email sa disastercustomerservice@sba.gov

Para sa mga aplikante ng SBA na bingi, mahina ang pandinig o may kapansanan sa pagsasalita, i-dial ang 711 upang ma-access ang mga serbisyong telecommunications relay. Ang mga nakumpletong aplikasyon ay maaaring ipadala sa koreo sa U.S. Small Business Administration, Processing and Disbursement Center, 14925 Kingsport Road, Fort Worth, TX 76155.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bisitahin ang mauicounty.govmauirecovers.org at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema. Maaari ka ring makakuha ng impormasyon sa tulong sa sakuna at mag-download ng mga aplikasyon sa sba.gov/hawaii-wildfires

Tags:
Huling na-update noong