Sentro ng Pagbawi sa Sakuna sa Timog Austin Malapit na Magsara

Release Date Release Number
NR-032
Release Date:
October 26, 2023

CHICAGO - Ang Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna) na nasa lokasyon ng Field House ng Parke ng Columbus, 500 Timog Abenida ng Central, Chicago, IL 60644, ay magpapatuloy ng operasyon ng Lunes hanggang Sabado, 8:30 n.u. hanggang 5 n.h., hanggang magsara ito ng Lunes, Oktubre 30 ng 5 n.h.  

Mayroong iba pang mga bukas na sentro ng pagbawi sa buong lugar ng Cook County na handang tumulong sa mga nakaligtas mula sa sakuna. Pumunta sa Tagahanap ng Pagbawi sa Sakuna ng FEMA upang makahanap ng lugar na pinakamalapit sa iyo. Ang mga Sentro ng Pagbawi ay hindi lang natatanging paraan para makakuha ng tulong mula sa FEMA. Ang Linya ng Tulong ng FEMA, 800-621-3362, ay mayroong mga tauhan na multilinggwal na operator na handang tumulong sa mga nakaligtas sa kanilang rehistrasyon at sa iba pang tanong na mayroon sila. Maaari ring gamitin ng mga nakaligtas ang Disasterassistance.gov o ang App ng FEMA sa kanilang mga telepono.

Ang huling araw para mag-apply sa FEMA para sa pederal na tulong ay Oktubre 30 rin. Pagkatapos ng petsa na iyon, magpapatuloy ang FEMA na magproseso ng mga apela at tumulong sa mga aplikanteng mayroong mga tanong.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bumisita sa isang  https://fema.gov/disaster/4728.

###
 

Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo)

Tags:
Huling na-update noong