CHICAGO - Ang huling araw para mag-apply para sa pederal na tulong mula sa Federal Emergency Management Agency (FEMA o Pederal na Ahensya ng Pangangasiwa ng Emerhensya) ay Oktubre 30 kung ikaw ay nagtamo ng pagkawala mula sa pagbaha at bagyo na humagupit sa estado noong Hunyo 29 – Hulyo 2.
Ang pagpaparehistro sa FEMA ay kasing dali ng isang tawag sa telepono sa Hotline ng FEMA, 800-621-3362, o isang pagbisita sa malapit na Disaster Recovery Center (DRC o Sentro ng Pagbawi sa Sakuna), na iyong mahahanap sa Tagahanap ng Pagbawi sa Sakuna ng FEMA. Ang mga gumagamit ng serbisyo ng relay sa bidyo, serbisyo ng naka-caption na telepono, o iba pang serbisyo sa komunikasyon ay kinakailangang ibigay sa FEMA ang tiyak na numerong nakatakda para sa serbisyong iyon. Ang mga nakaligtas ay maaari ring magrehistro sa pamamagitan ng DisasterAssistance.gov, o sa app ng FEMA sa kanilang mga telepono.
Kung ikaw ay nakapagrehistro na, maaai kang makipag-ugnayan sa FEMA gamit ang Linya ng Tulong, 800-621-3362, para palitan ang iyong impormasyon sa pakikipag-ugnayan, masagot ang iyong mga tanong o subaybayan ang progreso ng iyong aplikasyon.
Kung ikaw ay isang may-ari ng bahay, umuupa o may-ari ng negosyo, maaari ka maging kwalipikado para sa gawad ng FEMA at/o isang pautang sa sakuna ng SBA (Administrasyon ng Maliliit na Negosyo) na maaaring makatulong sa iyo sa paraan ng pagbawi mula sa pagkawala mula sa sakuna. Isang linggo nalang ang natitira para magrehistro, at tumatakbo ang oras.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbawi sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4728.
###
Ang tulong sa pagkabawi mula sa sakuna ay magagamit nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Ang makatwirang akomodasyon, kabilang ang pagsasalin ng wika at tagapagsalin ng American Sign Language (wikang pasenyas ng Amerika) gamit ang Serbisyong Relay ng Bidyo ay magagamit upang masigurado ang epektibong komunikasyon sa mga aplikanteng may limitasyon sa kasanayan sa Ingles, kapansanan, daanan at functional na pangangailangan. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay may diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libreng-toll sa 800-621-3362 (kabilang ang 711 o Relay ng Bidyo).