HONOLULU – Ang mga pribadong nonprofit, kabilang ang mga bahay ng pagsamba at iba pang organisasyong nakabatay sa pananampalataya, ay maaaring maging kwalipikadong mag-apply para sa pederal na tulong sa sakuna upang makatulong makabangon mula sa mga wildfire noong Agosto 8 sa Maui at sa Big Island.
Ang huling araw para magsumite ng aplikasyon para sa programang Pampublikong Tulong ng FEMA ay sa Martes, Oktubre 10.
Sa ilalim ng mahalagang deklarasyon ng sakuna ng pangulo (major presidential disaster declaration) noong Agosto 10, ang pagpopondo mula sa programang Pampublikong Tulong ay puwedeng gamitin upang bayaran ang pagtanggal ng mga nagkalat na piraso (debris removal), pang-emergency na hakbang sa proteksyon at restorasyon ng mga pasilidad na napinsala ng sakuna sa County ng Maui.
Ang County ng Hawaiʻi ay itinalaga upang mag-apply para sa mga kwalipikadong gastos para sa mga pang-emergency na hakbang sa proteksyon.
Nakadepende ang proseso ng aplikasyon sa kung ang isang pribadong nonprofit na organisasyon ba ay nauuri bilang nag-aalok ng mga kritikal na serbisyo o mahalagang hindi kritikal na serbisyong panlipunan.
Ang mga pribadong nonprofit na organisasyon na nagbibigay ng mga serbisyong kritikal tulad ng mga pasilidad sa pangangalagang pangkalusugan at utility ay puwedeng direktang mag-apply sa FEMA para sa pagpopondo. Kabilang sa iba pang halimbawa ng mga serbisyong kritikal ang tubig, imburnal at sistemang elektrikal; mga pribadong paaralan na mayroong elementarya o sekondaryang edukasyon; o mga institusyon ng mas mataas na edukasyon.
Ang mga pribadong nonprofit na organisasyon, kabilang ang mga bahay ng pagsamba, ay puwede ring ma-uri bilang nagbibigay ng mga mahalagang hindi kritikal na serbisyong panlipunan. Para sa mga organisasyong ito, nagbibigay lamang ang FEMA ng pagpopondo sa Pampublikong Tulong para sa mga kwalipikadong permanenteng gastos sa trabaho. Ngunit bago iyon, mag-apply para sa pautang sa sakuna na may mababang interes mula sa Administrasyon ng Maliliit na Negosyo sa Estados Unidos (U.S. Small Business Administration). Maaaring mag-apply ang mga pribadong nonprofit na organisasyon sa County ng Maui para sa Pampublikong Tulong ng FEMA, isang programa na nagbabalik ng nagastos sa estado, mga lokal na gobyerno at ilang partikular na nonprofit para sa mga kwalipikadong gastos na nauugnay sa sakuna.
Kung ang isang bahay ng pagsamba o iba pang nonprofit na organisasyon na nag-aalok ng mga mahalagang hindi kritikal na serbisyong panlipunan sa County ng Maui ay tinanggihan para sa SBA na pautang, o kung hindi sapat ang halaga ng pautang para sa gastos sa lahat ng permanenteng pag-aayos, maaaring makatulong ang FEMA. Maaaring magbigay ang FEMA ng mga pondo upang bayaran ang hindi saklaw ng SBA o insurance.
Kung nag-aalok ang SBA ng pautang sa isang aplikante, na pipiliing hindi tanggapin ang pautang, ang aplikante ay hindi magiging kwalipikado para sa pagpopondo ng FEMA.
Bukod sa mga bahay ng pagsamba, kabilang sa iba pang halimbawa ng hindi kritikal na mahalagang serbisyo ang mga pang-edukasyong aktibidad para sa pagpapahusay, pinangangasiwaang serbisyo sa pangangalaga at daycare, serbisyo sa tirahan para sa mga taong may kapansanan, pabahay sa assisted living at sa mababa ang kita, tuluyan para sa walang matirhan at serbisyo sa rehabilitasyon, at pangkomunidad at pangtanghalan na center.
Hinihikayat ang mga bahay ng pagsamba at iba pang nonprofit sa County ng Maui na maghain ng aplikasyon para sa Pampublikong Tulong sa lalong madaling panahon. Ang aplikasyon ay tinatawag na Kahilingan para sa Pampublikong Tulong. Ang mga interesadong aplikante ay puwedeng makipag-ugnayan kay Brian Fisher, ang tagapanguna sa Pampublikong Tulong Public para sa Ahensiya sa Pangangasiwa ng Emergency sa Hawaii (Hawaii Emergency Management Agency), sa pamamagitan ng pagtawag sa 808-518-7985 o pag-email sa Brian.j.fisher@hawaii.gov.
Ang mga aplikante ng SBA ay maaaring mag-apply online, makatanggap ng karagdagang impormasyon tungkol sa tulong sa sakuna, at mag-download ng mga aplikasyon sa https://www.sba.gov/hawaii-wildfires. Maaari ring tumawag ang mga aplikante sa Customer Service Center ng SBA sa 800-659-2955 o mag-email sa disastercustomerservice@sba.gov para sa higit pang impormasyon tungkol sa tulong sa sakuna ng SBA.
Ang personal na tulong sa pagkumpleto ng mga aplikasyon sa pautang ay available sa alinman sa mga Center ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Centers) o Center ng Pagbangon para sa mga Negosyo ng SBA (SBA’s Business Recovery Centers). Para sa mga lokasyon at oras, pumunta sa https://go.dhs.gov/oAz.
Matatagpuan din ang higit pang impormasyon tungkol sa tulong para sa mga bahay ng pagsamba sa Ano ang Kailangang Malaman ng mga Bahay ng Pagsamba Tungkol sa Proseso ng Pagtulong sa Sakuna ng FEMA sa English, Spanish, Chinese, Vietnamese, Tagalog, French, German, Haitian Creole, Korean at Portuguese.
Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa mga pagsisikap para sa pagbangon mula sa wildfire ng Maui, bumisita sa mauicounty.gov at fema.gov/disaster/4724. I-follow ang FEMA sa social media: @FEMARegion9 at facebook.com/fema.