TALLAHASSEE, Fla. — Ang libreng serbisyo para sa payo ay abeylabol 24 oras kada araw, pitong araw kada linggo upang makatulong para sa mga nakakaranas ng stres dahil sa Bagyong Michael. Maaaring tumawag ang mga nakaligtas sa 800-985-5990 (TTY 800-846-8517) o i-text ang TalkWithUs sa 66746 upang maikonekta kaagad sa mga bihasa, may malasakit at propesyonal na mga tagapayo na makakatulong sa kanila na malampasan ang emosyonal na tensyon dahil sa sakuna.
Sa Pagtataguyod ng Administrasyon ng mga Serbisyo para sa Substance Abuse at Kalusugang Mental (SAMHSA), ang helpline ay kaagad na ikokonekta ang mga tumatawag sa mga empleyado na maghahandog ng konfidensyal na payo, mga referal, and iba pang serbisyo para sa suporta.
Sa mga linggo at buwan matapos dumaan ang sakuna, ang daan sa rekaberi ay puno ng pag-aalangan
at nagdudulot ng hindi inaasahang stres at pagkabalisa. Kabilang sa mga sintomas nito ay pagtulog ng mas mahaba o mas maikli kesa sa normal, pagkapagod, pagkawala ng pag-asa, o pagkawala ng ganang kumain.
Ang tulog galing sa SAMHSA ay abeylabol sa kahit sino man naapektuhan ng sakuna. Maaaring magbigay ng referal ang SAMHSA sa mga lokal na mga mapagkukunan ng tulong para sa patuloy na pagmamalasakit at suporta.
Para sa karagdagang impormasyon sa rekaberi ng Florida sa Bagyong Michael, bumisita sa fema.gov/tl/disaster/4399 at FloridaDisaster.org.
###
Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.
Para sa listahan ng mga mapagkukunan ng suporta at impormasyon para sa mga indibidwal at negosyong apektado ng Bagyong Michael, bumisita sa www.floridadisaster.org/info.
Para sa impormasyon tungkol sa pagbangon mula sa Bagyong Michael, bumisita sa www.fema.gov/tl/disaster/4399.
Sundin ang FEMA at ang Dibisyon ng Florida para sa Pamamahala ng Emerhensya sa Twitter sa @FEMARegion4 and @FLSERT. Maaari rin ninyong bisitahin ang FEMA at ang mga Facebook page ng Dibisyon sa Facebook.com/FEMA and Facebook.com/FloridaSERT.