Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna) Magbubukas sa Lee County

Release Date Release Number
DR-4673-FL NR-080
Release Date:
Enero 20, 2023

LAKE MARY, Fla. – Ang FEMA at ang Estado ng Florida ay magbubukas ng isa pang disaster recovery center sa Lee County upang tulungan ang mga nakaligtas sa Bagyong Ian sa sumusunod na lokasyon:

 

SAAN:             

Mt. Olive A.M.E Church

2754 Orange St.

Fort Myers, FL 33916

 

Mga Oras:       

Sabado, Enero 21, 8 a.m. hanggang 7 p.m. Lunes hanggang Sabado.

Nagbibigay ang mga Disaster Recovery Center (Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.).

Bagaman ang deadline para mag-apply para sa tulong sa pagkasira o pagkawala mula sa Bagyong Ian ay natapos na, ang mga nakaligtas sa sakuna na naapektuhan ng Bagyong Ian ay makakakuha rin ng mga update tungkol sa mga aplikasyon, malalaman pa ang tungkol sa proseso ng mga apela o matitingnan ang katayuan ng kanilang aplikasyon sa mga sumusunod na paraan:

  • Online sa DisasterAssistance.gov
  • Tawagan ang FEMA Helpline sa 1-800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula ika-7 ng umaga hanggang ika-11 ng gabi ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika.

Para sa pinakabagong impormasyon tungkol sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/tl/disaster/4673. Sundan sa FEMA Rehiyon 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update