BRANDON, Fla. –Limampu't isang karagdagang counties sa Florida na naapektuhan ng Hurricane Nicole ay karapat-dapat na ngayon para sa mga pang-emerhensiyang hakbang sa proteksyon, kabilang ang direktang tulong na pederal sa ilalim ng programa ng Pampublikong Tulong. Ang mga counties ay Alachua, Baker, Bradford, Broward, Calhoun, Charlotte, Citrus, Clay, Collier, Columbia, DeSoto, Dixie, Franklin, Gadsden, Gilchrist, Glades, Gulf, Hamilton, Hardee, Hendry, Hernando, Highlands, Hillsborough, Holmes , Jackson, Jefferson, Lafayette, Lake, Lee, Leon, Levy, Liberty, Madison, Manatee, Marion, Miami-Dade, Okeechobee, Orange, Osceola, Pasco, Pinellas, Polk, Putnam, Sarasota, Seminole, Sumter, Suwannee, Taylor , Union, Wakulla, at Washington; at ang Miccosukee Tribe ng mga Indians ng Florida at ang Seminole Tribe ng Florida.
Ang Brevard, Duval, Flagler, Indian River, Martin, Nassau, Palm Beach, St. Johns, St. Lucie, at Volusia Counties ay pinahintulutan para sa Pampublikong Tulong sa paunang deklarasyon ng kalamidad na inilabas noong Dec.13.
Ang programa sa Pampublikong Tulong ng FEMA ay nagbibigay ng sauliang-bayad (reimbursement) sa mga lokal at estadong ahensya ng gobyerno para sa mga gastos sa pagtugon sa emerhensiya, pag-aalis ng mga pira-pirasong basura (debris) at pagpapanumbalik ng mga pampublikong pasilidad at imprastraktura na napinsala ng kalamidad. Ang mga bahay sambahan at iba pang mga nonprofit na organisasyon ay maaari ding maging karapat-dapat para sa Pampublikong Tulong ng FEMA.
Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon mula sa Hurricane Ian at Nicole, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/4680. I-follow ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at ang facebook.com/fema.
###