Ang Disaster Recovery Center sa Lee County Lilipat sa Bagong Lokasyon

Release Date Release Number
045
Release Date:
November 3, 2022

BRANDON, Fla. – Ang Disaster Recovery Center sa Lee County ay magbabago ng lokasyon sa Biyernes, Nob. 4.

Ang center na kasalukuyang tumatakbo sa Fort Myers DMS Building, 2295 Victoria Ave., ay magsasara sa Huwebes, Nob. 3 sa 5 p.m.

Magbubukas ang center sa Biyernes, Nob 4 sa:

Lake Kennedy Center

400 Santa Barbara Blvd.

Cape Coral, FL 33915

Oras: 8 a.m. hanggang 7 p.m. araw-araw

Nagbibigay ang mga Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) sa mga nakaligtas sa sakuna ng impormasyon mula sa mga ahensya ng estado ng Florida, FEMA, at U.S. Small Business Administration (Pangasiwaan ng Maliit na Negosyo ng U.S.). Makakakuha ng tulong ang mga nakaligtas sa sakuna sa pag-aplay para sa tulong ng pederal at mga pautang sa kalamidad, mag-update ng mga aplikasyon at matuto tungkol sa iba pang magagamit na mapagkukunan.

Mayroong ilang iba pang mga Disaster Recovery Center na tumatakbo sa buong lugar na naapektuhan. Para makahanap ng sentro na malapit sa iyo, mag-online sa: DRC Locator o floridadisaster.org, o maaari mong i-text ang DRC kasama ang iyong zip code sa 43362.

Sa ngayon, ang lahat ng mga sentro ay nagpapatakbo ng pitong araw sa isang linggo, ang mga oras ay maaaring mag-iba. Hindi kailangan ng appointment para makakuha ng tulong.

Hindi kailangang bumisita sa isang sentro para mag-aplay. Ang mga nakaligtas ay maaaring mag-online sa disasterassistance.gov, gamitin ang FEMA mobile app o tumawag sa 800-621-3362. Bukas ang linya araw-araw mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. ET. Mayroong tulong sa halos lahat ng wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay (video relay service, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon. Para makita ang isang accessible video tungkol sa kung paano mag-apply, bumisita sa: Three Ways to Register for FEMA Disaster Assistance - YouTube.

May mga serbisyo ng interpreter at mga isinaling materyal na makukuha sa mga center na ito para tulungan kang makipag-usap sa wikang pinakakomportable kang gamitin. Pinipili ang mga lokasyon ng Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna (Disaster Recovery Center) para sa kanilang pagiging madaling ma-access, na may layuning maabot ang mas maraming tao hanggang posible.

Bukod sa mga sentro, ang mga pangkat ng FEMA Tulong sa Nakaligtas sa Sakuna (Disaster Survivor Assistance, DSA) ay nagka-canvass sa mga kapitbahayan sa mga lugar na naapektuhan ng Hurricane Ian upang matulungan ang mga residente na mag-aplay para sa tulong ng FEMA at sagutin ang mga tanong tungkol sa pederal na tulong. Ang mga pangkat ng DSA ay nagsusuot ng FEMA attire at may mga badge ng pagkakakilanlan ng pederal na may larawan. Walang bayad para sa serbisyo.

Ang Indibidwal na Tulong ng FEMA ay maaaring makatulong sa mga pansamantalang gastusin sa tuluyan, pangunahing pagkukumpuni ng bahay at iba pang mahahalagang pangangailangan na may kaugnayan sa sakuna.

Para sa pinakabagong impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Bagyong Ian, bisitahin ang floridadisaster.org/info at fema.gov/disaster/4673. Sundan ang FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at ang facebook.com/fema.

 

###

Ang misyon ng FEMA ay ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon, at pagkatapos ng mga sakuna.

Ang lahat ng tulong sa sakuna ng FEMA ay ipagkakaloob nang walang diskriminasyon sa mga batayan ng lahi, kulay, kasarian (kabilang ang sekswal na panliligalig), oryentasyong sekswal, relihiyon, bansang pinagmulan, edad, kapansanan, limitadong kasanayan sa Ingles, katayuan sa ekonomiya. Maaari kang tumawag sa linya ng Civil Rights Resource sa 833-285-7448 kung naniniwala ka na ang iyong mga karapatang sibil ay nilalabag.

Tags:
Huling na-update noong