Palm Beach County na Kuwalipikado para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
012
Release Date:
October 8, 2022

TALLAHASSEE – Ang mga may-bahay at nangungupahan sa Palm Beach County na naapektuhan ng Bagyong Ian ay maaaringmag-apply para sa tulong ng FEMA sa mga biktima ng sakuna.

May tatlong paraan para mag-apply: 1) DisasterAssistance.gov, 2) i-download ang FEMA App para sa mga mobile device, 3) tumawag nang libre sa 800-621-3362. Bukas ang linya ng 7 a.m. hanggang 11 p.m. araw-araw. May tulong sa maraming wika. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng relay, tulad ng video relay service (serbisyo ng video relay, VRS), teleponong may caption, o iba pang serbisyo, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Kailangang ibigay ng mga aplikante ang sumusunod na impormasyon:

  • Kasalukuyang numero ng telepono na puwede kang makontak
  • Iyong address sa panahon ng sakuna at ang address kung saan ka nakatuloy ngayon
  • Ang iyong Social Security number
  • Listahan ng pangkalahatang napinsala at nawala
  • Impormasyon sa bangko kung pinili mo ang direktang deposito
  • Kung insured, ang numero ng policy o pangalan ng ahente at/o kompanya

Kung may-bahay ka, nangungupahan o may insurance sa baha, dapat kang mag-file ng claim sa lalong madaling panahon. Hindi puwedeng doblehin ng FEMA ang mga benepisyong saklaw ng insurance. Kung hindi saklaw ng policy mo ang lahat ng gastos mo sa sakuna, posibleng kuwalipikado ka sa tulong ng gobberyno.

Maaaring kasama sa tulong sa sakuna ang pinansiyal na tulong na may pansamantalang tuluyan at pagkukumpuni sa bahay, pati na ang iba pang gastos may kaugnayan sa sakuna.

Para sa accessible na video kung paano makakapag-apply para sa tulong, magpunta sa youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Tags:
Huling na-update noong