Mga County ng Highlands at Lake, Kwalipikado para sa Tulong ng FEMA

Release Date Release Number
005
Release Date:
October 4, 2022

ATLANTA – Ang mga county ng Highlands at Lake ay kwalipikado na ngayon para sa tulong ng FEMA pagkatapos ng Hurricane Ian. 

Ang mga indibidwal at sambahayan sa mga county ng Highlands at Lake ay maaaring mag-apply para sa Indibidwal na Tulong ng FEMA, na maaaring kabilangan ng pansamantalang tulong sa pabahay, pangunahing pagkukumpuni ng tahanan at ilang iba pang hindi nakasegurong pangangailangang nauugnay sa kalamidad. 

Ang mga county na ito ay kasali sa mga county ng Charlotte, Collier, DeSoto, Flagler, Hardee, Hillsborough, Lee, Manatee, Orange, Osceola, Pinellas, Polk, Putnam, Sarasota, Seminole, St. Johns at Volusia, na dati nang naaprubahan para sa Indibidwal na Tulong. 

Maaaring mag-apply ang mga nakaligtas/ survivor para sa tulong sa kalamidad sa disasterassistance.gov, sa pamamagitan ng paggamit ng FEMA mobile app, o sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-621-3362 mula 7 a.m. hanggang 11 p.m. Eastern Time.  Kung gumagamit ka ng serbisyong relay tulad ng serbisyong video relay (VRS), naka-caption na serbisyo sa telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Para sa maa-access na video tungkol sa kung paano mag-apply para sa tulong, pumunta sa, youtube.com/watch?v=WZGpWI2RCNw.

Para sa impormasyon sa pagbangon ng Florida mula sa Hurricane Ian, visit floridadisaster.org a1 fema.gov/disaster/4673. I-follow ang FEMA sa Twitter sa FEMA Region 4 (@femaregion4) / Twitter at sa facebook.com/fema.

###

Misyon ng FEMA ang tulungan ang mga tao bago, sa panahon, at pagkatapos ng mga kalamidad.

Tags:
Huling na-update noong