Mga Payo para sa Pag-apela sa isang Desisyon mula sa FEMA

Release Date Release Number
011
Release Date:
October 14, 2021

NEW YORK -- Nag-apply ka sa FEMA para sa tulong sa sakuna pagkatapos ng Bagyong Ida na nanalanta sa ibayo ng New York, at nakatanggap ka ng isang sulat. Hindi ka sigurado kung ano ang sinasabi nito, ngunit sa palagay mo ay hindi maganda ito.

Madalas na nagpapadala ng mga sulat ang FEMA kapag ang iyong aplikasyon ay may kulang na impormasyon. Marahil ay hindi ka nagpakita ng katibayan ng iyong pagkakakilanlan, o katibayan ng pagmamay-ari ng iyong tahanan, o katibayan na nanirahan ka sa iyong tahanan para sa malaking kabuuan ng taon bago nangyari ang Ida. Narito ang ilang mga tip sa pagsusulat ng apela sa isang desisyon ng FEMA.

Mayroon kang 60 Araw para Ipadala ang Iyong Apela sa FEMA

Ang pinakamahalagang bahagi ng proseso sa pag-apela ay ang pag-alam kung gaano kahaba ang panahon upang makiusap para sa iyong kaso. Magbilang ng 60 araw mula sa petsang nilagay ng FEMA sa sulat ng pagpapasya. Ito ang araw na dapat mong bilugan sa iyong kalendaryo upang ipaalala sa iyo na ito ang huling araw mo para ipadala sa FEMA ang iyong apela. Tandaan na kapag natanggap ng FEMA ang iyong sulat, maaari kang makatanggap ng tawag sa telepono o isang sulat na follow-up na humihingi ng karagdagang impormasyon.

Maingat na Basahin ang Sulat ng FEMA Bago Sumulat ng Iyong Apela

Kailangan mong maintindihan kung bakit sinabi ng FEMA na ang iyong aplikasyon ay “ineliglble (hindi karapat-dapat),” o na ang tulong sa iyo ay tinanggihan, o na nakabinbin ang desisyon ng FEMA tungkol sa iyong aplikasyon. Madalas na ang dahilan ay kasing-simple ng kakulangan sa mga dokumento o impormasyon. Basahin ang sulat ng FEMA mula simula hanggang katapusan upang maintindihan mo kung ano ang hinihingi ng ahensya na gawin mo.

Isama ang Ebidensya na Sumusuporta sa Iyong Hiling na Apela

Ang iyong sulat na apela ay hindi sapat upang isaalang-alang muli ng FEMA ang kanilang desisyon. Kailangan mo ng ebidensya upang suportahan ang mga hinihiling mo sa iyong apela. Mahalaga na isama ang mga dokumento o impormasyon na hinihingi ng FEMA. Narito ang mga dapat mong isama sa iyong sulat:

  • Isang kopya ng sulat ng FEMA na nagsasabing ikaw ay tinanggihan ng tulong, o na hindi umabot sa isang desisyon ang ahensya.
  • Mga Sulat ng Seguro: Ang kumpanya ng iyong seguro ay maaaring nakapagbigay sa iyo ng maliit na bahagi ng kailangan mo upang ipaayos ang iyong tahanan, hindi sapat upang matulungan ka na lumipat sa ibang lugar, posible ring hindi sapat upang palitan ang ilang kagamitan. Tandaan na ang FEMA ay hindi ka mabibigyan ng kaloob na binayaran na ng kumpanya ng iyong seguro.
  • Patunay ng paninirahan: Isang kopya ng utility bill, lisensya sa pagmamaneho, isang ulat sa pagpapaupa o ng bangko, isang dokumento mula sa lokal na paaralan, rehistro ng motor na sasakyan o sulat ng employer. Ang lahat ng ito ay pwedeng magamit upang patunayan na ang nasirang tahanan o inuupahan ang iyong pangunahing tirahan. “Primary (pangunahin)” na ibig sabihin ay nakatira ka doon sa malaking bahagi ng taon.
  • Patunay ng pagmamay-ari: Mga dokumento sa mortgage o seguro; mga resibo sa buwis o isang kasulatan; mga resibo para sa malaking pagpapaayos o pagpapaganda na may petsang mula pa noong 2016; o isang dokumento ng korte. Kung ang iyong mga dokumento ay nawala o nasira, i-click ang www.usa.gov/replace-vital-documents para sa impormasyon kung paano mapalitan ang mga ito.
  • Mga resibo at mga tantya: Isama ang mga dokumentong tulad ng mga resibo sa pagpapagawa ng bahay, mga tantya sa pagpapaayos, mga tantya ng kontratista o impormasyon mula sa kumpanya ng iyong seguro.

Hindi Mo Mismo Masulat ang Apela? Ipasulat ito sa Iba

  • Kung ikaw ang aplikante ngunit hindi mo magawa ang pagsulat mismo ng apela, ipasulat mo ito sa iba. Maaari itong maging isang kasama sa tahanan, isang kaibigan o isang abugado. Subalit siguraduhun na sundin ang ilang mga panuntunan. Sabihin sa FEMA, sa isang nakasulat na pahayag, na ang sumulat ay pinahihintulutan mong umapela sa ngalan mo. Ang mga espesyalista sa Linya ng Tulong ng FEMA ay makakapagbigay sa iyo ng payo kung ano ang dapat isama sa sulat na apela at magbibigay sa iyo ng impormasyon sa marami pang mga paksa nang higit pa sa mga apela.
    • Tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 o VRS (Serbisyo ng Video Relay). Ang mga linya ay bukas mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw.

Ipadala sa Koreo, I-fax o I-upload ang Iyong Sulat na Apela; Huwag Kalimutang Pirmahan at Lagyan ng Petsa

  • Mayroon kang 60 araw mula sa petsa ng iyong sulat ng pagpapasya mula sa FEMA upang ipadala sa koreo, i-fax o i-upload ang iyong apela kung nais mo na isaalang-alang muli ng FEMA ang kanilang unang desisyon. Pirmahan at lagyan ng petsa ang iyong apela. At huwag kalimutan na isama ang iyong 9-digit na numero sa aplikasyon sa FEMA sa bawat pahina, ang iyong disaster number (numero ng sakuna) (FEMA-4615-DR-NY), at mga dokumento na pwede mong ipakita bilang patunay.
    • Ipadala sa koreo: FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-8055 
    • I-fax: 800-827-8112, Attention: FEMA
    • Para gumawa ng isang online account sa FEMA o i-upload ang mga dokumento sa online, pumunta sa www.DisasterAssistance.gov, i-click ang “Check Status” at sundin ang mga panuntunan.

Ano ang Dapat Mong Asahan Pagkatapos Isumite ang Iyong Sulat na Apela

Sumulat ka ng iyong apela at pinadala mo ito sa FEMA sa loob ng 60 araw pagkatapos mong makuha ang sulat ng pagpapasya. Ano ang mangyayari ngayon? Maaaring kang makatanggap ng tawag o sulat mula sa FEMA na humihingi ng karagdagang impormasyon. O maaaring magtakda ang FEMA ng isa pang inspeksyon ng iyong pangunahing tahanan. Anuman ang mangyari, oras na nagpadala ka ng sulat na apela sa FEMA, makakaasa na makakakuha ka ng isang sulat ng desisyon sa loob ng 90 araw pagkatapos itong matanggap ng FEMA.

Mga Paalala:

  • Ang mga may mababang-kita na indibidwal na humaharap sa mga ligal na kaso dulot ng Bagyong Ida ay maaaring tumawag sa toll-free na linya para mapayuhan: 888-399-5459. Kung nais mo na tawagan ka ng tagabigay ng ligal na serbisyo, kumpletuhin ang form sa https://nysba.org/ida. Ito ang mga halimbawa ng mga tulong na ligal:
    • tulong para makakuha ng mga serbisyo mula sa gobyerno
    • tulong para sa mga hiling sa seguro para sa buhay, medikal at ari-arian
    • tulong para sa mga kontrata at kontratista para sa pagpapaayos ng bahay
    • pagpapalit ng mga habilin at iba pang mga mahahalagang ligal na dokumentong nawala o nasira sa sakuna
    • mga problema sa consumer protection (proteksyo para sa mamimili) tulad ng mataas na singil at pag-iwas sa mga panloloko ng mga kontratista sa proseso ng pagpapagawa
    • pagpapayo sa mga problema sa pagsasara ng mortgage
    • pagpapayo sa mga problema ng may-ari at umuupa
  • Mahalagang maalala na ang tulong ng FEMA ay hindi kapalit para sa seguro at hindi mababayaran ang lahat ng kawalan na dulot ng isang sakuna; ito ay naglalayon na matugunan ang simpleng mga pangangailangan at punan ang mga pagsisikap para sa pagbawi sa sakuna.
  • Narito ang paraan upang mag-apply para sa tulong ng FEMA: Bumisita sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang  FEMA mobile app o tumawag sa Linya ng Tulong ng  FEMA sa 800-621-3362 (VRS). Bukas ang mga linya mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw, at ang mga operator ay pwede kang ikonekta sa isang espesyalista na nagsasalita ng iyong wika.
  • Kung ikaw ay gumagamit ng serbisyong relay tulad ng VRS (serbisyong video relay), serbisyo na captioned ang telepono o iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.
    • Maaaring ka ring bumisita sa isang Sentro ng Pagbawi sa Sakuna at personal na kumausap ng tauhan ng FEMA at mga kinatawan ng iba pang ahensya ng pederal at estado na makakapagbigay ng impormasyon tungkol sa sa tulong sa sakuna. Para maghanap ng sentro ng pagbawi na malapit sa iyo, bumisita sa visit DRC Locator (fema.gov).
    • Ang huling araw ng pag-apply para sa tulong sa sakuna ng FEMA ay sa Lunes, Dis. 6.
  • Para sa mga mapagkukunan sa online pati na rin ng mga downloadable pampleta ng FEMA at iba pang mga pantulong, bumisita sa DisasterAssistance.gov at i-click ang “Information.”
  • Para maturo sa mga ahensya na sumusuporta sa mga pangangailangan para sa komunidad, tumawag sa 211 o bumisita sa https://www.211nys.org/contact-us. Para sa mga residente ng New York City, tumawag sa 311.
  • Para sa mga pinakabago tungkol sa pagsisikap para sa pagbawi sa Bagyong Ida, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa  Twitter sa twitter.com/femaregion2 at www.facebook.com/fema.
Tags:
Huling na-update noong