Mga Nangungupahan Maaaring Maging Karapat-dapat para sa Tulong Pang-sakuna

Release Date Release Number
008
Release Date:
September 30, 2021

NEW YORK -- Ang pederal na tulong pang-sakuna ay hindi lamang para sa mga may-ari ng tahanan. Ito rin ay makukuha ng mga karapat-dapat na nangungupahan, at maaaring masakop ang mga gastusin sa kasangkapan, kagamitan para sa trabaho, pagpaayos ng sasakyan, pati na rin ang mga medikal at dental na gastusing dulot ng sakuna.

Ang mga nangungupa sa mga probinsya ng Bronx, Kings, Nassau, Queens, Richmond, Rockland, Suffolk and Westchester counties na nagtamo ng pinsala, o hindi magawang makatira sa kanilang mga tahanan matapos ang Bagyong Ida ay maaaring maging karapat-dapat para sa tulong mula sa FEMA at ng U.S. Small Business Administration.

Kung ikaw ay may insurance (seguro) sa paupa, tumawag muna sa tagabigay ng iyong seguro upang maghain ng hiling. Saka mag-apply sa FEMA. Kung ikaw ay may seguro, dapat kang mabigay sa FEMA ng iyong impormasyon mula sa tagabigay ng iyong seguro, na maaaring may kasamang kabayaran o pagkatanggi.

Ang tulong para sa paupa ng FEMA ay may layong sumakop sa buwanang upa at sa halaga ng mahahalagang utilities (bayarin) (halimbawa, gas, ilaw at tubig). Ang bigay ng FEMA ay maaari ring gamitin sa deposito para sa seguridad ngunit hindi para sa telepono, cable o serbisyo ng internet.

Ang mga nangungupahan ay dapat makapagpatunay na sila ay nanirahan sa pangunahing tahanang nasira ng sakuna bago makatanggap ng Tulong sa Pabahay ng FEMA at iba pang uri ng Other Needs Assistance (Iba Pang mga Pangangailangan) ng FEMA (halimbawa para sa mga personal na kagamitan at para sa mga gastusin sa paglipat at pag-imbak).

Upang patunayan ang paninirahan, ang nakaligtas ay maaaring magbigay sa FEMA ng: isang lease (paupa) o kasunduan sa pabahay, mga resibo para sa paupa, mga bayarin, merchant’s statement (ulat ng negosyante), ulat mula sa pampublikong opisyal, mga card ng katauhan, dokumento galing sa organisasyon ng serbisyong panlipunan, dokumento ng lokal na paaralan, dokumento ng benepisyo mula sa pederal o estado, rehistro ng motor na sasakyan, sinumpaang salaysay ng paninirahan o ibang mga dokumentasyon ng korte at mga dokumento sa mobile home park. Ang mga espesyalista ng Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (711/VRS) ay maaaring magbigay ng karagdagang impormasyon tungkol sa mga matatanggap na dokumento, mga petsa nito at mga paliwanag.  

Maaaring ituro ang mga nangungupahan sa U.S. Small Business Administration, na nagbibigay ng pautang sa sakuna na may mababang-interes sa mga nakaligtas. Ang mga pautang ng SBA ay makakatulong sa mga pagkawala na hindi sakop ng seguro. Ang mga nangungupahan ay pwedeng mag-apply ng mga pautang ng hanggang $40,000 upang ipaayos o palitan ang mga nasira o nagibang mga nilalaman ng tahanan kasama ang mga damit, kasangkapan, mga appliance at iba pang mga personal na kagamitan kasama ang mga sasakyan. Ang mga hindi kwalipikado sa pautang ng SBA ay maaaring ituro pabalik sa Other Needs Assistance na tulong-programa ng FEMA.

Kung ikaw ay itinuro sa SBA, dapat mong kumpletuhin at ibigay ang aplikasyon. Kung ang iyong aplikasyon ay naaprubahan, hindi ka obligadong tumanggap ng pautang subalit ang hindi pagbigay ng aplikasyon ay maaaring mag-diskwalipika sa iyo sa iba pang mga posibleng tulong mula sa FEMA.

Mayroong iba’t ibang paraan ng pag-apply sa tulong ng FEMA:

  • Bumisita sa DisasterAssistance.gov, gumamit ng mobile app ng FEMA o tumawag sa Linya ng Tulong ng FEMA sa 800-621-3362 (711/VRS). Bukas ang mga linya mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi araw-araw, at ang mga  operator ay maaaring kumonekta sa iyo sa isang espesyalista na nagsasalita ng iyong wika. Kung ikaw ay gumagamit ng serbisyong relay gaya ng serbisyong video relay, serbisyong captioned telephone at iba pa, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong iyon.

Ang FEMA ay nagbukas din ng mga sentro para sa Pagbawi sa Sakuna kung saan ay makakaharap mo ang mga tauhan ng FEMA at mga kinatawan ng iba pang mga ahensyang pederal at estado na maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa tulong pang-sakuna na maaari mong matanggap. Para makahanap ng sentro ng pagbawi malapit sa iyo, bumisita sa DRC Locator (fema.gov).

Para makakuha ng pautang mula sa SBA, bumisita sa ligtas na website ng SBA sa https://DisasterLoanAssistance.sba.gov. Pwede ka ring mag-email sa DisasterCustomerService@SBA.gov o tumawag sa Customer Service Center ng SBA (Serbisyo para sa customer) sa 800-659-2955 para sa karagdagang imporasyon.

Ang huling araw ng pag-apply para sa tulong mula sa FEMA ay sa Biyernes, Nob. 5.

Para sa karagdagang mapagkukunan sa online pati na rin ang mga downloadable pamphlets ng FEMA, bumisita sa  DisasterAssistance.gov at i-click ang “Information.”

Para sa referral sa mga ahensyang sumusuporta sa pangangailangang pang-komunidad, makipag-ugnayan sa iyong pinakamalapit na sentro ng 211Counts sa https://www.211nys.org/contact-us o tumawag sa 211. Sa lungsod ng New York, tumawag sa 311..

Para sa pinakabago tungkol sa pagsisikap ng New York para sa pagbawi sa Bagyong Ida, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa aming Twitter account ng Rehiyon 2 ng  FEMA sa twitter.com/femaregion2 at sa www.facebook.com/fema.

Tags:
Huling na-update noong