Basahing Maigi ang Liham ng Pagpapasiya

Release Date Release Number
005
Release Date:
September 20, 2021

BROOKLYN, N.Y. – Kung kayo ay nagrehistro sa FEMA at humingi ng tulong para sa sakuna matapos ang Natira sa Bagyong Ida, maaari kang makatanggap ng liham mula sa FEMA sa pamamagitan ng regular U.S. Postal Service mail (Serbisyo sa Korea) o sa pamamagitan ng email.

Basahing maigi ang liham. Maaaring mapabilang ang abiso tungkol sa pagkapili at/o kahilingan para sa karagdagang impormasyon. Ang mga liham na nag-aabiso ng pagkapili (eligibility notification letters) ay nagpapaalam sa aplikante ng mga uri ng tulong mula sa FEMA na nagsasaad na ikaw ay karapat-dapat o hindi karapat-dapat na makatanggap, ang mga halaga ng tulong na ibibigay ng FEMA para bawat karapat-dapat na pangangailangan, mga dahilan kung bakit ikaw ay hindi karapat-dapat, paliwanag para sa proseso ng pag-apela, at iba pang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa tulong pang-sakuna, kasama ang tamang paggamit ng pondo.

Kung ikaw ay nakatanggap ng desisyon na hindi ka karapat-dapat, hindi ito lagi ang panghuling pasya. Kung ikaw ay hindi sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA na hindi ka karapat-dapat, maaari kang umapela dito. Sinusuri ng FEMA ang nakasulat na apela ng mga aplikante at mga kaukulang kasulatan para sa apela. Pagkasuri nito, ang FEMA ay magbibigay ng nakasulat na desisyon sa iyo o humingi ng karagdagang impormasyon. Kung ang FEMA ay manindigan sa desisyon sa isang apela, ang desisyon ng FEMA ay ituturing na pinal at kadalasang hindi na maaari muling isaalang-alang.

Maaari na kailangan mo lamang magbigay ng karagdagang impormasyon. Maaaring:

  • Hindi mo napatunayan na ang nasirang tahanan ang iyong pangunahing tirahan noong panahon ng sakuna, o na ikaw ay nakatira sa tahanang ito noong panahong iyon. Pinalawak ng FEMA kamakailan ang uri ng mga dokumentasyon na tatanggapin ng FEMA upong suportahan ang iyong hiling para sa tulong.
  • Ang pautang para sa sakuna ng U.S. Small Business Administration ay hindi pa naibabalik. Ang aplikasyon ay gagamitin para malaman kung ikaw ay karapat-dapat para sa programang pangkaloob or tulong. Ang hindi pagbalik ng aplikasyon ay magdidiskwalipika sa iyo para dito and hindi mo kailangang tanggapin ang pautang kung ito ay alukin.

Kung hindi ka sumasang-ayon sa desisyon ng FEMA kung ikaw ay karapat-dapat, maaari mong iapela ang desisyon. Sinusuri ng FEMA ang nakasulat na apela ng mga aplikante at mga kaukulang kasulatan para sa apela. Pagkasuri nito, ang FEMA ay magbibigay ng nakasulat na desisyon sa iyo o humingi ng karagdagang impormasyon. Kung ang FEMA ay manindigan sa desisyon sa isang apela, ang desisyon ng FEMA ay ituturing na pinal at kadalasang hindi na maaari muling isaalang-alang. Maaari kang umapela sa iyong pagka-karapat-dapat, sa halagan o uri ng tulong na natanggap mo, sa isang pagkatanggi dulot ng nahuling aplikasyon, sa isang hiling na ibalik ang pera, o sa patuloy na tulong. Dapat ipadala ang apela sa FEMA at may tatak-koreo sa loob ng 60 na araw mula sa petsa kung kalian natanggap ang sulat ng desisyon. Para mag-apela, sundin ang mga hakbang na ito:

  • Ipaliwanag ang (mga) dahilan para sa apela at may pirma dapat ng aplikante o ng tao na pinahintulutan para dito.
  • Isama ang iyong buong pangalan, petsa ng kapanganakan, kasalukuyang tirahan, numero ng sakuna (disaster number) at ang numero ng rehistro sa FEMA.
    • Siguraduhin ang petsa at pirmahan ang sulat. Isama mo ang siyam na bilang na numero ng rehistro sa FEMA sa bawat pahina.
    • Pirma ng aplikante kasama ang mga sumusunod: selyo ng Notaryo; o ang pahayag “I hereby declare under penalty of perjury that the foregoing is true and correct.” (Pinatitibayan ko sa ilalim ng parusa ng perjury na totoo at tama ang nauuna.)
  • Ipadala ang sulat sa FEMA National Processing Service Center, P.O. Box 10055, Hyattsville, MD 20782-7055.
  • O i-fax ang form sa 800-827-8112.
  • Ang mga sulat ng apela at mga kaukulang kasulatan ay maaaring ilagay sa inyong account sa  DisasterAssistance.gov kung ito ay inyong naisaayos.
  • Para sa mga katanungan tungkol sa sulat o sa kabuuang proseso ng apela, maaaring bumisita sa DisasterAssistance.gov, gamitin ang mobile app ng FEMA o sa pagtawag sa 800.621.3362. Kung ikaw ay gagamit ng serbisyong relay, tulad ng videophone, InnoCaption, or CapTel, ibigay sa FEMA ang numero para sa serbisyong ito. Ang mga operator ay nakahanda araw-araw mula 8 ng umaga hanggang 7 ng gabi sa lokal na oras.
  • Para sa opisyal na impormasyon sa pagsikap para makabawi, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4615. Sundan kami sa Twitter sa twitter.com/femaregion2 at www.facebook.com/fema.
Tags:
Huling na-update noong