Texas Winter Storm Survivors in 18 Additional Counties Can Apply for Federal Disaster Assistance

Release Date Release Number
006
Release Date:
Pebrero 26, 2021

DENTON, Texas – Ang mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan sa Texas na nasa 18 karagdagang lalawigan na nagtamo ng pinsala mula sa bagyong taglamig na nanalanta kamakailan sa Texas ay maaari na ngayong mag-aplay para sa tulong sa kalamidad sa FEMA.  

Kung ikaw ay may seguro at nag-aaplay para sa tulong sa kalamidad, kailangan mo ring maghain ng isang paghahabol sa iyong kumpanya ng seguro sa pinakamadaling panahon.  Ayon sa batas, hindi maaaring doblehin ng FEMA ang mga benepisyo para sa mga nawala na sakop ng seguro.  Kung hindi sasakupin ng seguro ang lahat ng napinsala sa iyo, maaari kang maging karapatdapat para sa tulong pederal.

Ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pag-aaplay ay sa pamamagitan ng pagbisita sa www.disasterassistance.gov.

Kung hindi maaaring magparehistro sa online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585).  Ang walang-bayad na mga linya ng telepono ay gumagana mula 6 n.u. hanggang 10 n.g CDT, pitong araw sa isang linggo.  Ang mga gumagamit ng isang relay service tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel ay dapat magsabi sa FEMA ng partikular na numero na nakatalaga sa serbisyong ito.

Ang 18 karagdagang mga lalawigan ay: Atascosa, Bandera, Brooks, Duval, Eastland, Ector, Goliad, Howard, Jim Hogg, Karnes, Kleberg, Leon, Llano, Newton, Robertson, Trinity, Webb at Willacy.

Kapag nag-aplay ka para sa tulong, ihanda ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang kasalukuyang numero ng telepono kung saan ka maaaring tawagan
  • Ang iyong tirahan sa panahon ng kalamidad at ang tirahan kung saan ka ngayon nanunuluyan
  • Ang numero ng iyong Social Security, kung nakahanda
  • Isang pangkalahatang listahan ng nasira at mga nawala
  • Kung nakaseguro, ang numero ng polisa ng seguro, o ang ahente at pangalan ng kumpanya

Kung maaaring ligtas na gawin, mag-umpisa na ngayon ng paglilinis.  Kumuha ng mga litrato upang maitala ang mga pinsala at makapag-umpisa ng paglilinis at pagsasa-ayos upang maiwasan ang karagdagang pagkasira.  Tandaan na ipunin ang mga resibo ng pinamili na kaugnay sa paglilinis at pag-aayos.

Ang tulong sa kalamidad ay maaaring kasama ang tulong pinansyal para sa pansamantalng matitirhan at mga pagsasa-ayos sa bahay,  mababang-interes na pautang upang masakop ang mga nawalang pag-aari na hindi nakaseguro, at iba pang mga programa upang matulungan ang mga tao at mga may-ari ng negosyo na makabawi mula sa mga epekto ng kalamidad.

Ang mga karagdagang mga lalawigan ay makakasama sa 108 na lalawigan na naunang inaprubahan para sa tulong sa sakuna.

Ang mga lalawigan ay: Anderson, Angelina, Aransas, Austin, Bastrop, Bee, Bell, Bexar, Bosque, Bowie, Blanco, Brazoria, Brazos, Brown, Burleson, Burnet, Caldwell, Calhoun, Cameron, Chambers, Cherokee, Collin, Colorado, Comal, Comanche, Cooke, Coryell, Dallas, Denton, DeWitt, Ellis, Erath, Falls, Fannin, Fort Bend, Freestone, Galveston, Gillespie, Gonzalez, Grayson, Gregg, Grimes, Guadalupe, Hardin, Harris, Harrison, Hays, Henderson, Hidalgo, Hill, Hood, Houston, Hunt, Jackson, Jasper, Jefferson, Jim Wells, Johnson, Jones, Kaufman, Kendall, Lavaca, Liberty, Limestone, Lubbock, Medina, Madison, Matagorda, Maverick, McLennan, Milam, Montague, Montgomery, Nacogdoches, Navarro, Nueces, Orange, Palo Pinto, Panola, Parker, Polk, Rockwall, Rusk, Sabine, San Jacinto, San Patricio, Scurry, Shelby, Smith, Stephens, Tarrant, Taylor, Tom Green, Travis, Tyler, Upshur, Val Verde, Van Zandt, Victoria, Walker, Waller, Washington, Wharton, Wichita, Williamson, Wilson, Wise at Wood

Ang mga mababang-interes na pautang sa sakuna mula sa Pangasiwaan ng mga Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration) ay magagamit ng mga may negosyo, mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan  Tumawag sa SBA sa 1-800-659-2955 (TTY: 800-877-8339) o bumisita sa www.sba.gov/services/disasterassistance.

Tags:
Huling na-update