Ang mga Sulat ng Determinasyon ay Maaaring Makatulong sa Iyo na Maka-hanap ng mga Kasagutan para sa Tulong sa Sakuna

Release Date Release Number
004
Release Date:
Pebrero 23, 2021

DENTON, Texas – Kung ikaw ay nakatanggap ng sulat mula sa FEMA na nagsasabing hindi ka nararapat para sa tulong o kaya ay may “walang desisyon”, basahing mabuti ang sulat.  Maaaring may kailangang karagdagang impormasyon sa iyo ang FEMA upang maipagpatuloy ang pagpoproseso ng iyong aplikasyon.  Kung ikaw ay may seguro at nag-aaplay para sa tulong pederal, dapat kang maghain ng isang pag-aangkin sa iyong tagapagbigay ng seguro.  Kung nararapat, kailangan mong magbigay ng kopya ng pag-apruba ng kasunduan ng seguro o sulat ng pagtanggi.

Ang ilang mga karaniwang dahilan sa pagiging napag-alamang hindi nararapat o sa pagtanggap ng “walang desisyon” ay kasama na ang sumusunod:

  • Ikaw ay hindi nakaseguro.  Kailangan mong magbigay ng isang kopya ng inaprubahang kasunduan sa seguro o sulat ng pagtanggi sa FEMA.  Kung ang iyong kasunduan sa seguro ay may kakulangan upang matugunan ang iyong mga pangangailangan kaugnay ng sakuna, maaari kang maging karapatdapat para sa tulong pederal.  Makipag-ugnay sa FEMA upang makapagbigay ng alinmang karagdagang impormasyon o dokumentasyon.
  • Nag-ulat ka na walang pinsala sa bahay o may maliit lang na pinsala noong magparehistro ka sa FEMA.  Kung nag-ulat ka na ang bahay mo ay walang pinsala kaugnay ng sakuna subalit napag-alaman mo pagtakapos na hindi ito matitirahan, makipag-ugnay sa FEMA upang ipaalam sa kanila.  Ang dokumentasyon mula sa isang lokal na opisyal o kontratista na sumusuporta sa iyong apela ay maaaring makatulong na patunayan na ang bahay mo ay hindi matitirhan.
  • Patunay ng paninirahan.  Kung hindi mapatunayan ng FEMA ang paninirahan sa iyong pangunahing tirahan, maaaring mangailangan ka na magbigay ng dokumentasyon, tulad ng mga paniningil sa elektrisidad o tubig, isang pahayag ng bangko o kard ng kredito, paniningil  ng telepono, mga papel ng pasuweldo, isang lisensya sa pagmamaneho, isang ID kard na inilabas ng estado o kard ng rehistrasyon ng botante na nakasaad ang tirahan na napinsala.
  • Walang pangunang tulong sa pag-upa.  Ipinaalam mo sa inspektor na ayaw mong lumipat habang inaayos ang iyong napinsalang bahay.  Ito ay magiging dahilan ng pagiging hindi karapatdapat para sa pansamantalang tulong sa upa mula sa FEMA.   Kung napag-alaman mo pagkatapos na may karagdagang pinsala  sa iyong bahay o ang pangangailangan mo ng pabahay ay nagbago, kaagad makipag-ugnay sa FEMA upang mabago ang estado ng iyong pabahay at ipaliwanag kung bakit mo kailangang lumipat.
  • Walang pakikipag-usap sa FEMA.  Kung nalampasan mo ang isang inspeksyon at hindi ka nakapagpasunod sa FEMA, maaaring maapektuhan ang tulong sa iyo.  Siguruhin na may impormasyon sa pakikipag-ugnay ang FEMA.  Kung hindi ka maaaring makipagkita sa inspektor ayon sa plano, ipaalam sa FEMA.
  • Ligtas na tirahan ang iyong bahay.  Ang tulong sa pabahay ng FEMA ay karaniwang  sinasakop lamang ang mga gastos upang maaaring tirahan ang iyong bahay.  Ang pinsala sa mga hindi kinakailangang espasyo, pag-aayos sa kapaligiran o nasirang pagkain ay hindi sakop ng mga gawad ng FEMA.

Kung may mga katanungan ka o kailangan mong makipag-usap tungkol sa estado ng iyong pagiging karapatdapat, tumawag sa 800-621-3362, bukas ito araw-araw mula 8 n.u. hanggang 10 n.g., CDT.  May magagamit na mga tagasalin ng iba’t-ibang wika.

Ang mga aplikante ay maaaring umapela sa determinasyon ng FEMA, upang maisagawa ito, kailangan mong magbigay ng mga sumusuportang impormasyon kasama na ang isang sulat na nagpapakita ng detalya ng dahilan (o mga dahilan) kung bakit ka umaapela.

Kailangan mong isama ang buo mong pangalan, numero ng aplikasyon sa FEMA at numero ng sakuna, ang pangunahing lugar na tinitirhan mo bago magkaroon ng sakuna at ang kasalukuyang numero ng telepono  at tinitirhan mo sa lahat ng ibibigay na mga dokumento.  Maaari mong makita ang aplikasyon at numero ng sakuna na naka-imprenta sa pahina 1 ng iyong sulat ng determinasyon.  

Maaari mong ipasa ang iyong apela at alinmang kaugnay na dokumentasyon sa pamamagitan ng:

  1. Pag-upload ng iyong dokumentasyon sa online sa disasterassistance.gov.
  2. Ipadala sa koreo ang iyong mga dokumento at sulat sa loob ng 60 araw mula ng matanggap mo ang iyong sulat ng determination sa lugar na nasa ibaba. Ang iyong sulat na may kasamang mga dokumento ay kailangang may tatak ng koreo sa loob ng  60 araw mula ng petsa ng iyong sulat mula sa FEMA tungkol sa iyong pagiging karapatdapat.

FEMA National Processing Service Center

P.O. Box 10055

Hyattsville, MD 20782-7055

  1. Ipadala ang iyong impormasyon sa fax sa 800-827-8112.

Ang mga nakaligtas ay kailangang magparehistro sa online sa disasterassistance.gov. Kung hindi ka makapagparehistro sa online, tumawag sa 800-621-3362 (TTY: 800-462-7585).  Ang mga gumagamit ng isang relay service tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel ay kailangang magsabi sa FEMA ng kanilang partikular na numero na itinalaga sa serbisyong ito.

Tags:
Huling na-update