May Dalawang Linggo Ang Nalalabi

Release Date Release Number
DR-4569-CA NR 025
Release Date:
December 2, 2020

Ang mga nakaligtas sa sunog ay dapat tumawag sa FEMA Helpline o bumisita sa DisasterAssistance.gov hanggang sa Dis. 16

SACRAMENTO, Calif. – Ang mga indibidwal at mga sambahayan na may pagkawala dahil sa mga sunog sa mga lalawigan ng Fresno, Los Angeles, Madera, Mendocino, Napa, San Bernardino, San Diego, Shasta, Siskiyou at Sonoma ay may dalawang linggo upang makapagparehistro para sa tulong mula sa FEMA.  Ang huling araw ay sa Dis. 16, 2020.

Ang mga lalawigang ito ay naisama sa pederal na Disaster 4569, na unang idineklara noong Okt. 16 para sa pitong mga lalawigan at sumunod na pinalawak.

Ang mga gantimpalang pera ng FEMA ay makakatulong sa mga nakaligtas na makapagbayad ng upa, pag-aayos/pagpapalit ng bahay at marami pang ibang malubhang pangangailangan kaugnay ng sakuna, kasama na ang pagpapalit o pag-aayos ng mga sasakyan, mga gastos sa pagpapalibing, mga gastos pang-medikal at pang-ngipin at  mga ibang sari-saring gastos.  Upang mabayaran ng FEMA, kailangang kunan ng litrato ang mga nasira at ipunin ang mga resibo ng pagpapa-ayos.       

Kailangang tumawag ang mga nakaligtas sa kanilang mga kompanya ng seguro at maghain ng isang paghahabol para sa nasira kaugnay ng sakuna bago sila magparehistro sa FEMA.  Ang mga nakaligtas na may seguro ay kailangang magparehistro sa FEMA kahit na hindi pa nila sigurado kung sila ay karapatdapat.  Ang FEMA ay maaaring makatulong sa mga gastos na hindi sinakop ng seguro.  Ang ahensya ang makakaalam ng pagiging karapatdapat sa oras na ang paghahabol sa seguro ay napagkasunduan, ngunit walang anumang babayaran ang FEMA para sa mga hindi nakapagparehistro noong huling araw ng Dis. 16.  Hindi mababayaran ng FEMA ang mga deductibles ng seguro.

Ang mga nakaligtas ay maaaring magparehistro sa FEMA para sa pederal na tulong sa isa sa tatlong mga paraan:

  • Sa online sa DisasterAssistance.gov;
  • Sa pag-download ng FEMA app sa isang smartphone o tablet; o
  • Sa pagtawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362 (TTY 800-462-7585) sa pagitan ng 7 ng umaga at 8 ng gabi PST.  Ang mga gumagamit ng isang relay service tulad ng isang videophone, Innocaption o CapTel, ay kailangang magbigay sa FEMA ng partikular na numero na nakatalaga sa serbisyo kapag sila ay nagparehistro.

Ang tauhan ng helpline ay maaari ring tumugon sa mga katanungan tungkol sa mga aplikasyon na naibigay na.

Upang makapagparehistro, kakailanganin mo ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Numero ng Social Security
  • Impormasyon ng polisa ng seguro
  • Lugar ng nasirang primerang tirahan
  • Isang paglalarawan ng pinsala at kawalan dulot ng sakuna
  • Ang kasalukuyang lugar ng pinadadalhan ng koreo
  • Ang kasalukuyang numero ng telepono
  • Ang kabuuang taunang kita ng sambahayan
  • Ang numero ng routing at account ng iyong checking o savings account (para sa diretsong paglipat ng pondo sa iyong bank account)

Pagkatapos mong magparehistro, ipadadala sa iyo ng FEMA sa email ang isang pansamantalang PIN na magagamit mo upang makagawa ng isang account sa DisasterAssistance.gov.  Ang account ay maaaring magbigay sa iyo ng katayuan ng iyong aplikasyon, tingnan ang mga mensahe na galing sa FEMA, baguhin ang iyong personal na impormasyon at i-upload ang mga dokumento na maaaring kailanganin ng FEMA upang malaman ang pagiging karapatdapat para sa mga paggawad.

Kung hindi mo mai-upload ang iyong mga dokumento, ipadala ito sa koreo sa FEMA sa P.O. Box 10055, Hyattsville MD 20782-8055 o i-fax ito sa 800-827-8112.

Mga Inspeksyon

Sa panahon ng COVID-19, ang mga inspeksyon sa mga nasirang bahay ay isasagawa sa pamamagitan ng telepono. Ang pangmalayuang mga inspeksyon ay katulad ng tradisyonal, sa-personal na mga inspeksyon at maaaring pabilisin ang pagtulong sa pagbawi, batay sa pagiging karapatdapat.  Para sa layuing kaseguruhan, ang inspektor ay magpapatunay ng iyong pagkakakilanlan sa pamamagitan ng pagtatanong ng isang serye ng kuwalipikadong mga tanong at pagkatapos ay maibibigay sa iyo ang unang apat na numero ng iyong aplikasyon upang matapos ang pagpapatunay.

Kung naiulat mo na hindi ka makakatira ng ligtas sa iyong bahay, ang isang inspektor ng FEMA ay makikipag-ugnay sa iyo sa telepono at itatanong ang uri at lawak ng pinsalang natamo. Ang mga nakaligtas na may maliit na pinsala na maaari pang makatira sa kanilang mga bahay ay hindi awtomatikong ihahanay para sa isang inspeksyon ng bahay kung nag-aplay sa FEMA,  ngunit magbibigay ang FEMA  ng isang inspeksyon kung ang nakaligtas ay nakipag-ugnay sa ahensya upang iulat ang pagkakaroon ng pinsala na higit pa sa orihinal na naiulat.  Ang mga inspektor ay magtatala ng pinsala;  wala silang pananagutan upang matukoy ang halaga o uri ng mga paggawad na maibibigay sa isang nakaligtas.

Ang mga pangmalayuang inspeksyon ay hindi makakaapekto sa programa ng Tulong sa Ibang Pangangailangan ng FEMA (FEMA Other Needs Assistance).  Ang tulong na ito ay hindi nangangailangan ng isang inspeksyon at maaaring kasama ang mga gantimpala para sa pag-aalaga ng bata, transportasyon mga gastos pang-medikal, pang-ngipin at pagpapalibing, pagpapalit ng personal na pag-aari, o tulong sa paglipat at pagtatabi.

Gagawin ng FEMA  ang mga pangmalayuang inspeksyon kahit na hindi nila mapatunayan ang pagkakakilanlan ng isang aplikante, ang primerang tirahan o ang pag-aari ng bahay sa pamamagitan ng mga awtomatikong paghahanap ng mga talaan na isinagawa bilang bahagi ng proseso ng aplikasyon.  Magpapadala ang FEMA ng isang sulat sa mga aplikante na humihingi ng mga dokumento na kailangang ibigay upang maisaalang-alang para sa tulong pagkatapos ng inspeksyon.  Ang mga inspektor ay hindi papayagang kumuha ng mga dokumento mula sa mga aplikante.

Ang Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S.

Sa Dis. 16 ang siya ring huling araw ng pag-aaplay para sa pangungutang sa sakuna mula sa Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration).  Ang mga paggawad mula sa FEMA ay naglalayong magbigay sa mga karapatdapat na nakaligtas ng pagsisimula tungo sa landas ng kanilang pagbawi.  Ang pangunahing pagkukunan ng pondo para sa marami, datapuwat, ay isang pautang mula sa Pangasiwaan sa Maliliit na Negosyo ng U.S. (U.S. Small Business Administration (SBA)), na gumagawa ng mga pautang sa sakuna sa mga indibidwal at mga negosyo na ibat-ibang laki..

Makakahanap pa ng higit na marami ang mga nakalligtas at makaka-aplay para sa isang pangutang sa DisasterLoanAssistance.sba.gov/.  Para sa karagdagang tulong makipag-ugnay sa Sentro ng Birtuwal na Pagkuha ng Pautang sa Sakuna ng SBA (SBA’s Virtual Disaster Loan Outreach Center).  Ang mga kinatawan ng serbisyo sa kostumer ay nakalaang tumulong sa mga indibidwal at mga may-ari ng negosyo, tumugon sa mga tanong tungkol sa program sa pautang sa sakuna ng SBA, ipaliwanag ang proseso ng aplikasyon at tumulong sa bawat isa na tapusin ang kanilang elektronikong aplikasyon sa pautang.  Ang Birtwal na DLOC ay bukas mula 5 ng umaga hanggang 5 ng hapon PST araw-araw.  Tumawag sa 800-659-2955 o mag-email sa FOCWAssistance@sba.gov.

Ang mga serbisyo ay magagamit lamang para sa deklarasyon ng sakuna sa California bilang resulta ng mga sunog at hindi para sa mga tulong na kaugnay ngCOVID-19.

Para sa pinakahuling impormasyon tungkol sa pagbawi sa sunog, bumisita sa www.fema.gov/disaster/4569 at sundan ang FEMA Region 9 Twitter account sa twitter.com/femaregion9.

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update noong