WASHINGTON – Iniaangat ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) ang kabatiran na kailangang mag-ingat ang mga nakaligtas sa Bagyong Harvey at ang kanilang mga kaibigan at kapamilya tungkol sa mga maling sabi-sabi, panlilinlang, pagnakakaw ng pagkakakilanlan (identity theft), at pagkahuwad. Bagama’t puspusang tumutulong ang maraming Amerikino sa kanilang mga kapwa ngayon, sa gitna ng kaguluhan, marami rin ang susubok na magsamantala sa mga pinakanangangailangan.
Upang mapigilan ang pagkalat ng mga maling sabi-sabi na umiikot sa internet at social media, gumawa ang FEMA ng website na nakatutok sa pagtugon sa ilang mga kadalasang tema. Tandaan na kung tila masyadong maganda upang maging totoo ang inaalok, hindi nga siguro ito totoo. Bisitahin ang https://www.fema.gov/hurricane-harvey-rumor-control upang makuha ang pinakawastong impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang pinanggagalingan.
Narito ang mga paraan upang maprotektahan ang inyong sarili, o ang ibang taong pinagmamalasiktan ninyo, mula sa panlilinlang sa pagkakakilanlan o identity fraud:
- Hindi humihiling o tumatanggap ang mga tauhang pederal at pang-estado ng pera. Hindi kailanman sisingilin ng mga tauhan ng FEMA ang mga aplikante kapalit ng tulong nakaugnay sa sakuna, pag-iinspeksyon ng bahay, o pagpi-fill out ng mga aplikasyon. Manatiling alerto laban sa mga huwad na pangako na pabibilisin ang proseso ng insurance, tulong para sa sakuna, o permiso para sa pagtatayo ng gusali o building permit.
- Kapag kausap nang harapan, laging hilingin na makita ang ID badge ng tauhan ng FEMA. Maaaring nasa mga lugar na naaapektuhan ang mga team ng FEMA para sa Pagtulong sa mga Nakaligtas sa Sakuna, nagbibigay ng impormasyon, at tumutulong sa mga nakaligtas sa pagpaparehistro o sa kanilang mga file bilang aplikante.
- Hindi pagpapatunay ng pagkakakilanalan (identity) ang isang kamiseta o jacket ng FEMA. LAHAT ng representante ng FEMA, kabilang ang mga naka-kontratang inspektor, ay may mga photo ID na naka-laminate. Lahat ng adjuster ng Nasyonal na Programang Paneguro sa Bahao National Flood Insurance Program (NFIP) ay may awtorisadong NFIP Authorized Adjuster Card na taglay ang pangalan nila at ang uri ng mga claim na maaari nilang ayusin o i-adjust.
- Kung hindi kayo sigurado o hindi komportable sa sinumang nakausap ninyo na nagsasabing opisyal siya ng pamamahala ng emergency, huwag magbigay ng personal na impormasyon, at kontakin ang mga lokal na tagapagpatupad ng batas.
- Kung naghinhinala kayo na may huwad na pangyayari, kontakin ang Hotline ng FEMA para sa Panlilinlang na Kaugnay ng Sakuna sa 866-720-5721 o i-ulat ito sa Pederal na Komisyon ng Kalakal sa www.ftccomplaintassistant.gov.
- Makakakuha pa ng higit na impormasyon tungkol sa panlilinlang kaugnay ng sakuna sa website ng Opisina ng Pangunahing Tagapagtanggol ng Texas (TexasAttorney General’s Office) sa texasattorneygeneral.gov/cpd/disaster-scams o tawagan ang-800-252-8011.
- Sa Louisiana, makakakuha ng impormasyon tungkol sa kahuwarang may kinalaman sa sakuna sa website ng Opisina ng Pangunahing Tagapangtanggol ng Estado o State Attorney General’s Office sa http://www.agjefflandry.com o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Pambansang Sentro para sa Kahuwaran Kaugnay ng Sakuna o National Center for Disaster Fraud sa 1-866-720-5721.
##
Adhikain ng FEMA ang sumuporta sa mga mamamayan at unang tumutugon upang masigurado na sama-sama tayong kumikilos bilang isang bansa sa pagbubuo, pagtataguyod at pagpapabuti ng ating kakayahan sa paghahanda para sa, pagpoprotekta laban sa, pagtugon sa, pag-ahon mula sa, at pagbabawas ng, lahat ng panganib.
Sundan ang FEMA online sa www.fema.gov/blog, www.twitter.com/fema, www.twitter.com/femaspox, www.facebook.com/fema at www.youtube.com/fema. Sundan din ang mga aktibidad ni Administrador Brock Long sa www.twitter.com/fema_brock.