SACRAMENTO, Calif. – Ang libreng tulong sa mga alalahanin kaugnay ng sakuna ay ibibigay sa mga karapatdapat na nakaligtas sa sunog sa mga Lalawigan ng Butte, Lake, Monterey, Napa, San Mateo, Santa Clara, Santa Cruz, Solano, Sonoma at Yolo.
Ang mga nakaligtas ay maaaring humanap ng walang-bayad na tulong sa ligal na mga bagay na kaugnay ng sunog sa pamamagitan ng pagtawag sa hotline ng mga serbisyo ligal para sa sakuna sa (888) 382-3406. Ang tulong ay makukuha sa maraming wika. Ang programa ay isang pakikipagtulungan sa pagitan ng FEMA at ng Dibisyon ng mga Kabataang Abugado ng Samahan ng American Bar (American Bar Association Young Lawyers Division).
Ang mga uri ng libreng tulong na ligal na maaaring maibigay mula sa boluntaryong abugado kasama na ang:
- Tulong sa pagkuha ng mga benepisyong ibinibigay ng FEMA at iba pang mga pamahalaan sa mga nakaligtas sa sakuna;
- Pagtulong sa mga paghahabol sa seguro sa buhay, medikal at pag-aari;
- Tulong sa mga kontrata ng pagsasaayos ng bahay at sa mga kontratista;
- Pagpalit ng mga habilin at iba pang mahalagang ligal na dokumento na nasira sa sunog;
- Pagtulong sa mga usapin sa proteksyon ng mga mamimili, mga remedyo at mga pamamaraan;
- Pagpapayo sa mga problema sa pagsasara ng utang;
- Pagpapayo sa mga problema tungkol sa nagpapa-upa at nangungupahan;
- Pagsangguni sa ibang mga abugado at mga organisasyon ukol sa tulong sa iba pang ligal na bagay; at
- mga mapagkukunan kaugnay ng COVID-19.
Ang libreng serbisyo ligal sa sakuna ay hindi mapahihintulutan sa mga kaso na magbibigay ng gantimpalang pera.
###