Nakatanggap ang Anim na County ng Pederal na Tulong sa Pagtanggal ng Wildfire Debris

Release Date Release Number
DR-4558-CA NR 008
Release Date:
Setyembre 5, 2020

Sacramento, Ca.-Inanunsiyo ng Federal Emergency Management Agency (FEMA) ngayon na ang Lake, Monterey, Napa, Santa Cruz, Solano, at Sonoma county ay nadesigna para makatanggap ng pederal na tulong para sa pagtanggal ng debirs sa ilalim ng Public Assistance Program ng FEMA.

Noong Agosto 22, 2020, binigyan ni Presidente Donald J. Trump ng Major Disaster Declaration ang Estado ng California na nagsimula ng paglabas ng mga pederal na pondo para tulungan ang mga tao at mga komunidad na makabawi mula sa mga wildfire na naganap nitong Agosto 14, 2020, at nagpapatuloy. Ang deklarasyon sa sakuna na iyon ay inamyenda ngayon para idagdag ang anim na county para sa tulong sa pagtanggal ng debris.

Ang anim na county na ito at ang San Mateo at Yolo county ay dating nadesigna para sa Individual Assistance Program ng FEMA at para sa Pampublikong Tulong sa mga pang-emerhensiyang pamproteksiyong pamamaraan.

Kasama sa mga nararapat na aplikante para sa mga pondo ng Pampublikong Tulong ang estado, county at mga lokal na pamahalaan, pederal na kilalang tribung pamahalaan, at ilang pribadong non-profit tulad ng mga pasilidad na pang-edukasyon at medikal. Nagbibigay ang FEMA ng 75 porsiyento ng gastos sa mga nararapat na proyekto.

###

Related Links:
Tags:
Huling na-update