Ang Huling Araw ng Pagrerehistro sa FEMA para sa Pinsala ng Kilauea ay Agosto 13

Release Date Release Number
DR-4366-HI NR TL013
Release Date:
Hulyo 30, 2018

HONOLULU—Ang mga naninirahan sa Hawai’i County na may tinamong mga pinsala bunga ng pagsabog ng Kilauea at mga lindol ay makakapagrehistro hanggang sa Lunes, Agosto 13, 2018 para sa tulong sa kalamidad sa FEMA.

Ang mga opisyales ng Pagbabawi ay mahigpit na nakikiusap sa mga naninirahan na kailangan pang magparehistro na gawin ito sa pamamagitan ng pagbisita sa Disaster Recovery Center na ngayon ay nasa Pāhoa Neighborhood Facility, 15-3022 Kauhale Street sa Pāhoa.

Ang mga oras ng mga sentro ng pagbabawi ay simula 8 n.u. hanggang 6 n.h Lunes hanggang Biyernes at mula 8 n.u. hanggang 4 n.h. sa Sabado.  Ang sentro ay sarado sa mga araw ng Linggo.

Ang mga nakaligtas ay maaari ring magparehistro online sa DisasterAssistance.gov o sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa 800-621-3362 o
(TTY) 800-462-7585. Ang mga aplikante na gumagamit ng 711 o ng serbisyo ng Video Relay ay maaaring tumawag sa 800-621-3362.
Ang mga numerong toll-free ay bukas mula 7 n.u. hanggang 10 n.g. pitong araw sa isang linggo.

Ang tulong sa kalamidad ay maaaring kasama ang mga pamigay ng FEMA para sa pansamantalang pabahay, mga pagpagkukumpuni sa bahay at mga pagpapalit, pati na ang mga pautang na may mababang-interes mula sa U.S. Small Business Administration. Ang mga pautang na ito ay magagamit ng mga negosyante, mga pribadong walang patubo, mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan upang masakop ang mga pagkawala na hindi lubusang binanabayaran ng seguro o iba pang mga pagbabawi.

Agosto 13 ay siya ring huling petsa sa paghahain ng aplikasyon ng pangungutang para sa mga pinsalang pisikal sa SBA. Ang mga aplikante ay maaaring magpatala sa SBA online sa https://disasterloan.sba.gov/ela. Ang mga aplikante ay maaari ring tumawag sa SBA Customer Service Center sa (800) 659-2955 o magpadala ng  email sa disastercustomerservice@sba.gov para sa karagdagang impormasyon tungkol sa tulong sa kalamidad ng SBA. Ang mga taong bingi o may kahirapan sa pandinig ay maaring tumawag sa (800) 877-8339.

###

Ang misyon ng FEMA ay tumulong sa mga tao bago pa, sa panahon ng, at matapos ang mga kalamidad.

Ang SBA ay isang pangunahing pinagkukunan ng pera ng pamahalaang pederal para sa pangmatagalang muling pagpapatayo ng mga pribadong ari-arian na nasalanta ng kalamidad.  Tumutulong ang SBA sa lahat ng laki ng mga negosyo, mga organisasyon ng pribadong walang patubo, mga may-ari ng bahay at mga nangungupahan o mga pagsisikap para sa muling pagpapatayo at sasakupin ang halaga ng pagpapalit ng nawala o napinsala ng kalamidad na mga personal na pag-aari.  Ang mga pautang sa kalamidad ay sumasakop sa mga kawalan na hindi lubusang nabayaran ng seguro o iba pang pagbabawi at hindi dinodoble ang mga benepisyo ng ibang mga ahensya o mga organisasyon.

Tags:
Huling na-update