MGA DAPAT MALAMAN: “Malaking Pagkasira” – Ano Ang Ibig Sabihin Nito?

Release Date Release Number
FEMA-4466-DR FS TL004
Release Date:
December 2, 2019

Para sa mga komunidad na kasali sa National Flood Insurance Program (NFIP, Pambansang Programa para sa Seguro sa Baha), ang mga pagpapasya hinggil sa malaking pagkasira ay iniaatas ng mga lokal na ordinansa sa pamamahala sa kapatagang binabaha. Ang mga patakarang ito ay dapat na itatag para bumili ang mga residente ng komunidad ng insurance para sa baha sa pamamagitan ng NFIP.


Nalalapat ang malaking pagkasira sa isang istrakturang nasa Special Flood Hazard Area (SFHA, Espesyal na Lugar na Nanganganib sa Baha) kung saan ang kabuuang gastusin sa pagpapaayos ay 50 porsyento o higit pa ng halaga sa merkado ng istraktura bago nangyari ang sakuna, anuman ang sanhi ng pagkasira. Maaaring mag-iba ang porsyentong ito depende sa mga nasasakupan ngunit dapat na maging mababa sa mga pamantayan ng NFIP.

 

Halimbawa, kung halaga sa merkado ng istraktura bago ang pagkasira ay $200,000 at ang mga pagpapaayos ay tinatayang magkakahalaga ng $120,000, maituturing na may malaking pagkasira ang istrakturang iyon. Hindi kasama ang halaga ng lupa sa pagpapasya.

 

Ang FEMA ay hindi nagpapasya sa malaking pagkasira at hindi nagbibigay ng abiso sa sinumang may-ari ng tirahan ng tungkol sa pagpapasya ng pagkasira. Maaaring hilingin sa mga team ng FEMA sa pagsusuri sa pagkasira na tumugon sa mga lokal na kahilingan upang suriin ang saklaw ng pagpasirang hatid ng sakuna sa ilang mga estruktura. Ang data ay ibinibigay sa mga lokal na hurisdiksyon na maaaring magpasya sa malaking pagkasira batay sa kanilang mga sariling ordinansa. Nakakatulong ang impormasyong iyon sa mga may-ari ng ari-arian na magpasya kung, o kung paano, ipapaayos o papalitan ang nasirang tirahan, at kung kakailanganin ang karagdagang trabaho para sumunod sa mga lokal na kodigo at ordinansa, gaya ng pagpapaangat sa istrakturang nasa SFHA.

 

Kung ang gusaling nasa kapatagang binabaha ay napagpasyahan ng lokal na opisyal na may malaking pagkasira, dapat itong gawing naaayon sa mga lokal na regulasyon sa pamamahala sa kapatagang binabaha.

 

Ang mga may-ari ay maaaring:

  • Iangat ang kanilang mga istraktura, o baguhin ang mga ito sa ibang paraan upang sumunod sa mga lokal na regulasyon hinggil sa kapatagang binabaha at iwasan ang mga pagkawala sa hinaharap;
  • Lumipat o ipagiba ang istraktura; o,
  • Gawing may panlaban sa baha ang isang hindi residensyal, o makasaysayang istraktura.

Dapat alamin ng mga may-ari ng ari-arian mula sa mga lokal na opisyal para sa mga gusali kung aling mga permit para sa mga pagpapaayos ang iniaatas bago simulan ang gawain. Depende sa mga lokal na kodigo at ordinansa, maaaring magkaroon ng malulubhang kahihinatnan ang hindi pagsunod sa proseso sa permit.
 
Ang mga may-ari ng ari-ariang may polisa sa seguro sa baha sa pamamagitan ngf NFIP at gusaling may malaking pagkasira (dahil sa baha) sa isang SFHA ay maaaring makagamit ng mga karagdagang pondong – tinatawag na
Increased Cost of Compliance (ICC, Tumaas na Gastusin para sa Pagsunod) - mula sa kanilang polisa sa seguro sa baha (hanggang $30,000) upang makatulong sa pagtustos sa mga gastusin sa pag-aangat, paglipat, paggiba ng isang istraktura, o pagprotekta ng isang hindi residensyal na istraktura laban sa baha. Para sa higit pang impormasyon hinggil sa ICC, makipag-ugnay sa iyong ahente ng insurance.
 
Para sa higit pang impormasyon hinggil sa malaking pagkasira at iba pang mga suliraning may kaugnayan sa kapatagang binabaha, makipag-ugnay sa iyong lokal na administrador para sa kapatagang binabaha, ang National Flood Insurance Program sa (800-427-4661) o tumawag sa 711 (TTY at iba pang magagamit na serbisyo) at 866-337-4262 para sa VRS. Maaari mo ring i-email ang FloodSmart@dhs.gov upang humiling ng impormasyon sa wikang maliban sa Ingles. Makukuha rin ang impormasyon sa www.fema.gov/ at www.floodsmart.gov.

 

Maaaring matutunan ng mga residente ng Texas kung paano bumili ng polisa sa seguro para sa baha sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang ahente ng insurance o sa pamamagitan ng pagtawag sa 800-427-4661, tumawag sa 711. Makukuha rin ang impormasyon online sa floodsmart.gov Para sa impormasyon sa baha at mga tips sa kaligtasan, bumisita sa www.ready.gov/floods. Hanapin ang website sa wikang Espanyol sa www.listo.gov.

 

Para sa higit pang impormasyon sa Bagyong Imelda at pagbangon ng Texas, bisitahin ang webpage ng Bagyong Imelda sa www.fema.gov/disaster/4466, ang @FEMARegion6 Twitter account, www.fema.gov/txmit at ang website ng Dibisyon ng Texas para sa Pamamahala sa Emerhensya. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 800-462-7585.

 

###

 

Misyon ng FEMA: Tulungan ang mga mamamayan bago, habang, at pagkatapos ng mga sakuna.

 

Ang tulong para sa pagbangon mula sa sakuna ay maaaring makuha nang walang pagsasaalang-alang sa lahi, kulay, relihiyon, nasyonalidad, kasarian, edad, kapansanan, kasanayan sa Ingles, o pang-ekonomiyang katayuan. Kung ikaw o ang sinumang kilala mo ay nakaranas ng diskriminasyon, tumawag sa FEMA nang libre sa 800-621-3362, voice/VP/711. Mayroong mga operator na nagsasalita sa iba’t ibang wika. Maaaring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 800-462-7585.

 

Ang Small Business Administration (Pangasiwaan para sa Maliliit na Negosyo) ng Estados Unidos ay ang pangunahing pinagmumulan ng pondo ng pederal na pamahalaan para sa pangmatagalang muling pagpapatayo ng mga pribadong ari-ariang nasalanta ng sakuna. Tinutulungan ng SBA ang mga negosyo, anuman ang laki, pribadong organisasyong hindi pangkalakal, may-ari ng tirahan at umuupa sa pagpopondo ng mga pagkukumpuni at mga pagsisikap sa muling pagpapatayo at sinasagot ang gastos sa pagpapalit sa personal na ari-ariang nawala o nasira ng sakuna. Para sa higit pang impormasyon, maaaring makipag-ugnay ang mga aplikante sa Disaster Assistance Customer Service Center (Tanggapan ng Serbisyo sa Kostumer para sa Tulong sa Sakuna) ng SBA sa 800-659-2955. Maaaring ring tumawag ang mga gumagamit ng TTY sa 800-877-8339. Maaari ring mag-email ang mga aplikante sa disastercustomerservice@sba.gov o bisitahin ang SBA sa www.SBA.gov/disaster

 

Tags:
Huling na-update noong