Anong impormasyon ang kailangan kong ibigay kapag nagparehistro ako?

Ang isang aplikante na may pananagutan sa mga gastos sa pagpapalibing sa COVID-19 ay kinakailangang makapagbigay ng sumusunod na impormasyon sa ibaba kapag tumawag sa FEMA upang magparehistro para sa tulong.

  • Numero ng Social Security para sa aplikante at sa taong namatay
  • Araw ng kapanganakan ng aplikante at ng taong namatay
  • Kasalukuyang tirahang pinadadalhan ng koreo para sa aplikante
  • Kasalukuyang numero ng telepono para sa aplikante
  • Lokasyon o tirahan kung saan pumanaw ang namatay na tao
  • Impormasyon tungkol sa polisa ng seguro sa libing o pagpapalibing
  • Impormasyon tungkol sa ibang tulong sa pagpapalibing na natanggap, tulad ng mga donasyon, mga gawad at tulong ng CARES Act mula sa mga boluntaryong organisasyon
  • Numero ng routing at account ng checking o savings ng aplikante (para sa diretsong pagdedeposito, kung hiniling)
Huling na-update