SPRINGFIELD – Ang isang Sentro ng Pagbangon mula sa Sakuna ng FEMA/Estado ay magbubukas sa Lingo, Oktubre 20 upang tulungan ang mga residenteng makasimula sa kanilang pagbangon matapos ang mga matitinding pagbagyo, buhawi, deretsong pananalasa ng hangin, at pagbaha noong Hulyo 13 - 16, 2024.
Ang mga espesyalista mula sa FEMA, ang estado ng Illinois at ang U.S. Small Business Administration ay pupunta sa mga center upang tulungan ang mga nakaligtas na mag-aplay para sa pederal na tulong sa sakuna, mag-upload ng mga dokumento, personal na sagutin ang kanilang mga tanong, i-access ang iba pang mga uri ng tulong na maaaring makuha at matuto ng mga paraan upang gawing mas matatag ang kanilang mga ari-arian laban sa sakuna.
Ang sentro ay bukas sa mga sumusunod na lokasyon, araw, at oras:
Beverly Center
3031 South 25th Ave.
Broadview, IL 60155
Mga Oras: Lunes- Linggo 8:00 a.m. – 7:00 p.m.
Ang mga karagdagang recovery center ay magbubukas sa ibang mga apektadong county sa lalong madaling panahon. Upang makahanap ng pinakamalapit na center mula sa iyo, bisitahin ang FEMA.gov/DRC. Maaaring bumisita ang mga nakaligtas sa anumang sentro para makakuha ng tulong.
Ang tulong sa mga wika maliban sa Ingles, kabilang ang American sign language, at mga isinaling materyales ay makukuha sa mga center na ito. Pinipili ang mga lokasyon ng Disaster Recovery Center base sa kadalian ng access sa layuning maabot ang pinakamaraming tao hangga't maaari. May mga lugar para sa parking sa lahat ng mga center.
Ang mga nakaligtas ay hindi kailangang bumisita sa Disaster Recovery Center upang mag-apply para sa tulong ng FEMA. Para mag-apply nang hindi bumibisita sa center, mag-online sa DisasterAssistance.gov, i-download ang mobile app ng FEMA o tumawag sa FEMA Helpline sa 800-621-3362. Kung gumagamit ka ng serbisyo ng video relay, serbisyo ng teleponong may caption o iba pa, ibigay sa FEMA ang iyong numero para sa serbisyong iyon kapag mag-a-apply ka. Ang huling araw ng pag-a-apply para sa tulong ng FEMA ay sa Nobyembre 19.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa operasyon ng pagbangon mula sa sakuna sa Illinois, bisitahin ang www.fema.gov/disaster/4819.